Magdayao alaga ni Alfred: John Lloyd, Shaina nagbalikan

Puring-puri ni Alfed Vargas si Shaina Magdayao, na sobrang galing umarte, super bait sa shooting, at napaka-professional.

The post Magdayao alaga ni Alfred: John Lloyd, Shaina nagbalikan first appeared on Abante.

magdayao alaga ni alfred john lloyd shaina nagbalikan - Magdayao alaga ni Alfred: John Lloyd, Shaina nagbalikan
Shaina Magdayao 1 - Magdayao alaga ni Alfred: John Lloyd, Shaina nagbalikan

Puring-puri ni Alfed Vargas si Shaina Magdayao, na sobrang galing umarte, super bait sa shooting, at napaka-professional.

“Nagpapasalamat ako na na-appreciate ng mga katrabaho natin ang ginagawa natin. Hindi ko tatanggalin ang fact na this movie po, hindi ko naiisip tanggihan, ang ganda ng script, at minsan lang dumating sa buhay ng isang artista ang ma-offer na gumanap sa ganito.

“Ako kasi ang tipo ng artista na looking forward with great actors. Naniniwala ako na bawat artista, na kung ano ang bigay nila, iba rin ang bigay ko.

“Generous si Alfred, he took care of me kahit off camera. Nagbiyahe kami dito, ang mga scene sa Hong Kong, sa Hong Kong talaga `yon. Sila ni Iza sa New York nag-shoot. Kumbaga, a producer like Alfred, kailangan natin ang mga katulad niya.

“Sana kumita, mag-box office. Dasal talaga natin `yan. Pero ‘yung makahanap na gustong gumawa ng pelikula, na may kabuluhan, ‘yun ang kailangan natin sa industry ngayon, kaya nagpapasalamat ako kay Alfred.

“To be very honest, marami naman ibang artista na puwede nilang i-offer nito, at malaking pressure yon sa akin. Gusto ko kapag napanood nila ang trabaho ko, masasabi nila na they made the right choice,” sabi ni Shaina.

Anyway, may isa pang pelikula na ginawa si Shaina, ang Servando Magdamag, na kung saan ay ang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz naman ang nakasama niya. Nagbalikan nga ang dalawa bilang partner sa harap ng kamera.

“We work together for Lav Diaz film, cameo lang ako. Not so sure kung kailan ipapalabas `yon. Pero `yung dapat na movie na gagawin namin, on hold muna dahil sa pandemic. I don’t know kung sa 2021, matutuloy `yon?

“Nagtrabaho kami ngayong December, pero cameo lang talaga `yon, ilang days lang `yon,” sabi ni Shaina.

Tinanong si Shaina kung ngayon ba ay adventurous pa rin siya sa pag-ibig?

“Siguro noong bata ako. Na-witness niyo naman ‘yon. Wala naman akong tinatago sa buhay ko, na-fall in love ako, na-heart broken ako, only to rise up again. So, opo noon, adventurous ako. Pero ngayon mas bina-value ko ang energy ko, oras ko, buhay ko, emotions ko, kaya hindi na ako ganun ka-adventurous,” natatawang sabi na lang ni Shaina. (Dondon Sermino)

The post Magdayao alaga ni Alfred: John Lloyd, Shaina nagbalikan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *