Mag-utol na Marcelino ibabangon ang Lyceum

Jayvee, Jaycee matikas; JRU back-to-back

IBABANGGA ng Lyceum of the Philippine University sina Jaycee at Jayvee Marcelino upang kalsuhan ang kanilang two-game skid pagharap nila sa Arellano University Chief sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

mag utol na marcelino ibabangon ang lyceum - Mag-utol na Marcelino ibabangon ang Lyceum
marcelino 3 - Mag-utol na Marcelino ibabangon ang Lyceum

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Center)
12:00nn — San Beda vs EAC
2:00pm — Lyceum vs Arellano U
4:00pm — Letran Vs Jose Rizal U

IBABANGGA ng Lyceum of the Philippine University sina Jaycee at Jayvee Marcelino upang kalsuhan ang kanilang two-game skid pagharap nila sa Arellano University Chief sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Tangan ang 6-3 card, sisikapin ng Intramuros-based squad Lyceum na masilo ang panalo para makabawi sa Chiefs.

Magsisimula ang banatan sa alas-2 ng hapon.

10 NCAA ADVANCER (ABANTE SPORTS)

Lumuhod ang Pirates sa Arellano, 81-87, noong Agosto 23, pagkatapos silang lapain ng defending champion San Beda University Red Lions, 73-88, noong August 20.

Pero tiyak na mapapalaban muli ang LPU dahil ganado at determinadong lumaro ang Chiefs sa mga malalakas na team.

“Malaking bagay ang panalo namin kasi kailangan naming tumalo ng contenders in order to, at least, makaangat kami,” saad ni Arellano head coach Cholo Martin.

Inaasahan na sasandalan ng Arellano sina Justin Araña at Kent Salado na mga naging bayani sa panalo nila kontra LPU.

Nagtala si Araña ng 24 points at 11 rebounds habang 16 ang kinana ni Salado.

Samantala, maghaharap sa unang laro ang San Beda University at Emilio Aguinaldo College Generals sa alas-12 ng tanghali, habang magkatapat ang Letran Knights at Jose Rizal University Heavy Bombers sa alas-4 ng hapon. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *