Maepal na aktor kinaiinisan ng staff

Punumpuno na raw ang program staff sa isang aktor, ngunit wala silang magawa kundi tiisin na lang ang pagiging “epal” nito. Matagal na ring napapanood sa primetime ang programa ng aktor na ito. Mula raw sa script hanggang sa pagdidirek ng programa, lahat ay pinakikialaman ng aktor. Ayon pa sa kuwento ng isang staff, wala raw […]

The post Maepal na aktor kinaiinisan ng staff appeared first on Abante News Online.

maepal na aktor kinaiinisan ng staff - Maepal na aktor kinaiinisan ng staff
ABANTE male actor sinop - Maepal na aktor kinaiinisan ng staff

Punumpuno na raw ang program staff sa isang aktor, ngunit wala silang magawa kundi tiisin na lang ang pagiging “epal” nito. Matagal na ring napapanood sa primetime ang programa ng aktor na ito.

Mula raw sa script hanggang sa pagdidirek ng programa, lahat ay pinakikialaman ng aktor.

Ayon pa sa kuwento ng isang staff, wala raw maglakas-loob na bumangga sa aktor dahil protektado ito ng isang high-ranking executive ng network. Kaya naman no choice ang mga katrabaho nito, kailangan nilang tiisin ang pagiging sobrang “epal” ng aktor.

But in fairness, kahit na “epal” ang male lead star ay kilala rin ito bilang matulungin sa industriya. Pambalanse nga naman ito para hindi kumalat ang negatibong usap-usapan tungkol sa kanya. (Athena Yap)

The post Maepal na aktor kinaiinisan ng staff appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *