Mabagsik sa ring, malambing kay Misis

” Kapag nag-away kami, hindi paabutin ng isang oras. Kung ano’ng mali, pag-uusapan. Kung ano’ng kulang, pag-usapan.”

mabagsik sa ring malambing kay misis - Mabagsik sa ring, malambing kay Misis
ABANTE magnifico - Mabagsik sa ring, malambing kay Misis

LODI ATLETIKO

Mark ‘Magnifico’ Magsayo

” Kapag nag-away kami, hindi paabutin ng isang oras. Kung ano’ng mali, pag-uusapan. Kung ano’ng kulang, pag-usapan.”

SA ibabaw ng boxing ring, walang makaporma kay Mark Magsayo. Ebidensiya ang malinis na 19-0 (14 KOs) professional boxing record nito.

Pagdating sa loob ng bahay, nagiging maamong tupa ang tigasing umbagero.

Napakalambing at mapagmahal sa misis at manager niyang si Frances.

“Unang-una siya (Frances) ang inspirasyon ko sa laban ko, sa pamil-ya ko.

Ang laki ng naitulong niya sa akin kasi lahat ng kailangan ko sa boxing, binibigyan niya, pagkain, pagda-diet. So relax na relax ako,” kwento ni ‘Magnifico’ sa pagbisita niya kamakailan sa TOPS Usapang Sports sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“Kapag nag-away kami, hindi paabutin ng isang oras. Kung ano’ng mali, pag-uusapan. Kung ano’ng kulang, pag-usapan.”

Sa kasalukuyan ay nakapagpundar na si 24-year-old Magsayo ng sarili nilang bahay, kotse at nakabili narin ng lupa sa Bohol, salamat sa gabay ng
kanyang maybahay.

Malaking impluwensya kay Bohol-native Magsayo ang pagtatambal nila ng kanyang asawa na si Frances Arbie-Magsayo.

Bukod sa boxing, bonding rin ng mag-asawa ang pagmomotor kung saan tumutungo sila sa La Union para mag-surfing.

Sa darating na laban ni Magsayo sa Agosto 31 para sa vacant WBC Asia feather-weight at IBF Pan Pacific featherweight title na gaganapin sa Bohol Wisdom School gym, Tagbilaran City, Bohol, asahan na papataobin nito si Thai boxer Panya Uthok para madagdagan pa ang tagumpay nito.

Q&A
Abante: Ano ang mindset mo tuwing sasabak sa bakbakan?
Magsayo: Focus lang sa laban, ‘yung training namin dapat ilabas sa laban. So, focus lang.

Abante: Ano ang mga paghahanda mo para sa nanalapit mong laban?
Magsayo: Nagte-training na kami for three months. Ready na kami sa laban, three weeks na lang. Condition na.

Abante: Ma-eexpect ng mga taga-Bohol sa iyong laban?
Magsayo: Ibibigay ko lang ‘yung pinaka-best ko para ma-impress ‘yung mga tao at abangan nila ‘yung magnificong babalik.

Abante: Mensahe para sa iyong mga fan?
Magsayo: Sa lahat po ng mga fan ko, suportahan ninyo ako sa darating kong laban sa August 31 at magkita-kita tayong lahat sa Bohol Gymnasium. Salamat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *