Lumaban sa dayaan: ‘Sahaya’ humamig ng tagos sa pusong simpatya,suporta sa mga fan

Super trending ang ginawang pagsusumbong ng netizen sa Department of Education (DepEd) sa hindi pagiging valedictorian ni Bianca Umali sa teleserye ng GMA-7, ang “Sahaya.”

The post Lumaban sa dayaan: ‘Sahaya’ humamig ng tagos sa pusong simpatya,suporta sa mga fan appeared first on Abante News Online.

lumaban sa dayaan sahaya humamig ng tagos sa pusong simpatyasuporta sa mga fan - Lumaban sa dayaan: ‘Sahaya’ humamig ng tagos sa pusong simpatya,suporta sa mga fan
Abante 2019 Sahaya - Lumaban sa dayaan: ‘Sahaya’ humamig ng tagos sa pusong simpatya,suporta sa mga fan

BANTAY TELESERYE

Ni Dondon Sermino

Super trending ang ginawang pagsusumbong ng netizen sa Department of Education (DepEd) sa hindi pagiging valedictorian ni Bianca Umali sa teleserye ng GMA-7, ang “Sahaya.”

Kaloka nga na umabot na sa ganitong sitwasyon ang lahat, ha!

“Hindi ko na kaya, nagsumbong na ako sa DepEd. Go Sahaya!” sabi ni Kevin Beethoven.

Anyway, bumuhos nga ang suporta at concern ng Kapuso viewers at netizens kay Bianca bilang Sahaya dahil hindi ito sumuko na ipaglaban ang kanyang karapatan na hiranging class valedictorian.

Tagos sa puso at nakuha ni Sahaya ang simpat­ya ng manunuod na humanga sa kanyang lakas ng loob, paninindigan at pagsusumikap na magtagumpay sa kabila ng lahat ng humahadlang at bumabatikos sa kanyang pagkatao bilang isang Badjaw. Trending ang episode at talagang apek­tado ang nasabing netizen sa pinagdaraanan ni Sahaya at hindi ito papayag na madaya si Sahaya sa kanyang graduation.

Dahil sa kanyang panawagan, umani na ito ng libo-libong likes at shares sa Facebook. Bukod dito, pinuri rin ng manunuod ang serye dahil sa aral at inspirasyon na ipinapamahagi nito sa mga kabataan. Saludo rin sila sa pagganap ng lahat sa programa.

Sey ni @tonee171, “#SahayaSpeech has never failed to remind me not only the value of recognizing who you are but the unconditional love of family.”

Komento ni @lian_pascual, “Sahaya is more than a teleserye! It tackles important current issues. That’s why malapit sa puso itong show na ito! Ang galing ng mga main at supporting cast members and of course, the writers and to all the people behind this show.”

Ayon naman kay @andreaprettymeh, “Sahaya truly motivates people to do their best in everything. It tells reality and it is indeed an eye opener to all the people that whatever our status in life we are all the same and we are all equal. Do your best always Sahaya! Nakakaproud si @bianx_umali.”

Ang bongga nga na idinaan sa isang pakontes, patalasan ng utak, ‘yung kung sino ang karapat-dapat na maging valedictorian. Puring-puri nga ng mga netizen ang magandang halimbawa na ibinibigay ng “Sahaya” sa mga manonood.

Na ang panloloko ay hindi dapat manaig, na kung sino ang karapat-dapat bigyan ng karangalan ay ‘yun ang dapat mabigyan.

Heto nga ang iba pang reaksyon ng mga fan:

shem tradio, “Instead of insulting them, we should have to respect them and we have to be fair to everyone, rich, poor, black, white, old and young etc., Because we are all equal. And I think It’s the best teleserye to watch because it gives an impact to us in dealing with the importance of education, and to see and feel the light of equality.”

Faye Santiago, “Kudos also to all the cast. Dito napatunayan na hindi kailangan kumuha ng totoong badjaw o katutubo to portray characters like this. Ang kailangan lang ng actors for the role is commitment and yung passion nila na maipaalam yung message ng show. Gagaling ng lahat especially Bianca Umali, so much promise is in this actress! Dahil sa show nato, nag-iba ang paningin ko sa mga Badjaw at ibang mga katutubo natin.”

The post Lumaban sa dayaan: ‘Sahaya’ humamig ng tagos sa pusong simpatya,suporta sa mga fan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *