Luke Perry ginunita ng US series na Riverdale

Sa pinakabago nitong episode noong Miyerkoles, inalala ng US series na Riverdale ang isa sa mga aktor nitong si Luke Perry na pumanaw noong Marso 2019.

luke perry ginunita ng us series na riverdale - Luke Perry ginunita ng US series na Riverdale
Luke Perry - Luke Perry ginunita ng US series na Riverdale

Sa pinakabago nitong episode noong Miyerkoles, inalala ng US series na Riverdale ang isa sa mga aktor nitong si Luke Perry na pumanaw noong Marso 2019.

Gumanap ito bilang Fred Andrews sa serye, at pinakita sa Season 4 premiere kung paano pinatay ang karakter.

Sa serye, namatay sa hit-and-run si Andrews matapos subukang tulungan ang isang na-stranded na motorista.

Nag-guest star din sa episode ang co-star ni Perry sa Beverly Hills na si Shannen Doherty. Siya ang sinubukang tulungan ni Andrews.

Nilibing ng pamilya si Andrews sa Riverdale, at sinabihan ng kanyang anak (sa serye) na “[H]is spirit and his memory live on in this town and in everyone he’s met. Fred Andrews will always be a part of Riverdale.”

Dito nagtapos ang parte ni Perry sa US series.

Pumanaw sa stroke si Perry sa edad na 52.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *