Luis humagulgol sa Myx

Inamin ni Luis Manzano kay DJ Jhai Ho na malaki ang utang na loob niya sa MYX dahil doon niya nakuha ang kanyang big break bilang host.

The post Luis humagulgol sa Myx first appeared on Abante.

luis humagulgol sa myx - Luis humagulgol sa Myx
luis 1 - Luis humagulgol sa Myx

Inamin ni Luis Manzano kay DJ Jhai Ho na malaki ang utang na loob niya sa MYX dahil doon niya nakuha ang kanyang big break bilang host.

Sa online show na “We Rise Together,” naging emosyonal si Luis nang tanungin siya tungkol sa kanyang hosting career.

“Naiiyak ako,” pabirong sabi ni Luis bago magseryoso at sabihin, “Sila ang unang-unang nagtiwala sa akin as a speaker, as a VJ, as a host.”

Dagdag pa niya, marami siyang natutunan sa kakaibang training sessions kasama ang kanyang MYX family. Dahil sa kanyang naging experience noon, nagtuloy-tuloy na ang kanyang mga project kabilang na ang “ASAP Natin ‘To.”

“Iba ang training namin sa MYX dati. This was the age na wala pang teleprompter. That’s why I really value the training na ibinigay sa amin ng MYX,” kuwento pa ni Luis.

Isa ang MYX sa mga channel na nawala sa ere matapos ang pagsasara ng ABS-CBN. Pero patuloy pa rin naman itong napapanood sa cable TV at namamayagpag online dahil mayroon itong 7.5 milyong likes sa Facebook. May iba’t-ibang digital shows din ito kung saan napapanood ang current VJs nito gaya nina Edward Barber at Robi Domingo.

Siyanga pala, may bago ring online show si Luis kasama si Long Mejia. (Dondon Sermino)

The post Luis humagulgol sa Myx first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *