Luis cancer ng lipunan — Alex

May bago na namang pinasisikat si Alex Gonzaga. Ipinost nga agad niya sa Instagram ang paandar niya with matching bonggang-bonggang photo na akala mo ay si Ariana Grande siya.

The post Luis cancer ng lipunan — Alex appeared first on Abante News Online.

luis cancer ng lipunan alex - Luis cancer ng lipunan — Alex
ABANTE luis manzano basher - Luis cancer ng lipunan — Alex

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Luis cancer ng lipunan — AlexMay bago na namang pinasisikat si Alex Gonzaga. Ipinost nga agad niya sa Instagram ang paandar niya with matching bonggang-bonggang photo na akala mo ay si Ariana Grande siya.

“AG from the east yow sang #Tipints para sa lahat ng mga INA NYO!! Thank you ASAP natin to!” caption ni Alex.

At siyempre, umulan ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan ang bagong kanta ni Alex.

“Pinanuod kita. I don’t usually get to watch TV. Pero lola was watching you. Hehe galing-galing. Tapos may interview pa si Mommy Pinty!” sabi ni M­ariel Padilla.

Pero ang lagi ngang inaabangan ay ang komento ng best friend for life niyang si Luis Manzano. Ma-tindi nga kung magbanatan ang dalawa sa social media, at kung pikon ang isa sa kanila, siguradong iiyak na lang, o mapapamura talaga.

Simpleng-simple lang ang komento ni Luis sa post na ‘yon ni Alex, pero punong-puno ng laman.

“Yak!” ang reaksyon ni Luis.

Na siyempre pa ay nakahamig na naman ng sangkatutak na reaksyon mula sa mga netizen.

mitchee0815, “@luckymanzano hahahahaha grabi diring-diri.”

kamirudeboy, “ang supportive na friend.”

anastasciabreyanna, “@luckymanzano every @cathygonzaga have a new upload or post yung comment and reaction mo talaga ang inaabangan ko hahahha aliw kuya.
#mademyday.”

roxannegem, “haha dakilang basher.”

naivs_gonzaga, “@luckymanzano di po Yak ang Ate Cath namin. Sobrang Hot and ganda niyan.”

jaypee_louis, “bestfriend goals talaga to.”

At ano ang sagot ni Alex mismo kay Luis?

“@luckymanzano Ikaw cancer ka sa lipunan.”

Well, matatawa ka na lang talaga sa kanila, ha!

Melizza Jimenez gustong maging Dyesebel

Kahit maganda, mahusay kumanta, matalino, talentado, nakaranas din pala si Melizza Jimenez ng mga ‘rejection’ sa buhay nu’ng nagsisimula siyang pumasok sa showbiz.

Inamin ni Melizza na kung saan-saan din siya nag-audition, pero palagi raw siyang hindi natatanggap. At kahit nu’ng bata pa siya, na nag-audition siya sa school nila, sa pagkanta pa lang niya, pinagtawanan na raw siya ng mga tao sa paligid.

Naisip daw niya na huwag na lang kumanta habambuhay. Pero, sa hindi malamang dahilan, ang pagmamahal din sa musika ang nagpabago ng buhay niya.

Anyway, ang mga rejection na ‘yon sa buhay niya ang mas nagtulak din sa kanya para pagbutihin pa lalo ang mga talento niya.

At sa chikahan nga namin sa kanya, bigla na lang siyang naiyak, dahil nanumbalik daw sa alaala niya ang mga pinagdaanan niya.

Inamin ni Melizza na medyo palpak ang unang sabak niya sa audition sa ABS-CBN.

“Basta sinabi na lang po sa akin na mag-audition na lang po ako kay Mr. M. (Manahan). Medyo raw pa raw po kasi ako. And a few months after, nag-audition po ulit ako. Nag-workshop din po ako.

“And then, doon ko po nakuha ‘yung role sa ‘Barcelona’ na movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo,” kuwento ni Melizza.

Siyanga pala, narinig na namin ang mga nilikhang kanta ni Melizza, at sobrang nakaka-impress siya, ha! Marami ngang padadapain si Melizza kung pagkanta rin lang ang pag-uusapan, dahil sa ganda at tibay ng boses niya.

At yes, puwedeng-puwede ring maging beauty queen si Melizza. Mga limang taon pa ang puwede niyang ibigay sa sarili niya, at posibleng masungkit niya ang isa sa mga korona na inaasam niya.

“Sa ngayon gusto ko po talaga na mag-acting na rin muna. Gusto ko magka-love team. Sobrang bilib po kasi ako kina Ate Kathryn at Kuya Daniel.

“Gusto ko ring maging Dyesebel, eh. Sobrang in love rin kasi ako sa dagat,” sabi pa rin ni Melizza.

The post Luis cancer ng lipunan — Alex appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *