Luis, Billy kakalabanin ABS-CBN

Hinihintay na lang daw ng Viva ang final approval mula sa kampo ni Luis Manzano upang ito ang makasama ni Billy Crawford bilang co-host sa noontime show na ipapalabas sa TV5.

The post Luis, Billy kakalabanin ABS-CBN first appeared on Abante.

luis billy kakalabanin abs cbn - Luis, Billy kakalabanin ABS-CBN
Luis Billy - Luis, Billy kakalabanin ABS-CBN

ambetabol ambet nabus 1 300x200 - Luis, Billy kakalabanin ABS-CBNHinihintay na lang daw ng Viva ang final approval mula sa kampo ni Luis Manzano upang ito ang makasama ni Billy Crawford bilang co-host sa noontime show na ipapalabas sa TV5.

Blocktimer ang Viva and another group na siyang mag-produce ng naturang show kung saan makaka-join nila ang iba pang contract artists ng Viva Entertainment.

If this pushes thru, hindi na nga maiiwasan pa ni Billy na makatapat ang former noontime show niyang It’s Showtime.

Magiging Kapatid artist na kasi si Billy matapos nitong tanggapin ang pagiging host ng isang reality game show na The Masked Singer.

Ang tanong na nga lang ay kung tatanggapin ito ni Luis na nakilala nating halos naging mukha ng lahat ng game and reality shows ng Kapamilya network.

***

Angelica ginamit MTRCB sa gimik

“We respect her opinion, so she should respect ours,” ang mensahe namang nais ipahatid ng ilang mga taga-MTRCB na aming natawagan last time, nang pumutok nga ang usapin sa planong pag-regulate ng MTRCB sa mga streaming services gaya ng Netflix.

Ang tinutukoy nila ay si Angelica Panganiban na matapang at matalas ngang nagpahayag ng kanyang opinyon sa isyu, bago pa man ang naging pahayag ng ilang taga-gobyerno na gaya ni Angelica ay kumukwestyun sa MTRCB.

Although, sinasang-ayunan namin ang parehong opinion ni Angelica, naloka lang kami sa tila mataray na pahayag ng kausap namin.

“Okey rin naman ang timing niya (Gel) dahil may gagawin pala siyang project,” ang may himig pang-iintrigang hirit ng nasabing kausap namin.

Ang proyektong sinasabi o ay ang pagsasamahan nila nina Zanjoe Marudo at Paulo Avelino, ang project na dapat ay ginawa ng younger stars, at may working title na itong Walang Hanggang Paalam.

The post Luis, Billy kakalabanin ABS-CBN first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *