Loyal Kapuso,mabuting asawa, ama: Dingdong walang dungis ang pagkatao

Isa na siguro si Dingdong Dantes sa mga artista ngayon na masasabi naming halos nasubaybayan namin ang showbiz career mula sa pagsisimula niya bilang si Iñaki sa hit youth-oriented series na “T.G.I.S.” simula 1997 hanggang nasundan na ito ng mga sunod-sunod na programa sa GMA-7.

The post Loyal Kapuso,mabuting asawa, ama: Dingdong walang dungis ang pagkatao appeared first on Abante News Online.

loyal kapusomabuting asawa ama dingdong walang dungis ang pagkatao - Loyal Kapuso,mabuting asawa, ama: Dingdong walang dungis ang pagkatao
ABANTE Dingdong - Loyal Kapuso,mabuting asawa, ama: Dingdong walang dungis ang pagkatao

Ni: Rose Garcia

Isa na siguro si Dingdong Dantes sa mga artista ngayon na masasabi naming halos nasubaybayan namin ang showbiz career mula sa pagsisimula niya bilang si Iñaki sa hit youth-oriented series na “T.G.I.S.” simula 1997 hanggang nasundan na ito ng mga sunod-sunod na programa sa GMA-7.

Umpisa pa lang, bida na talaga si Dingdong sa bawat proyektong ginawa niya. Certified heartthrob hanggang sa makilala bilang isa sa mahusay na aktor ng henerasyong ito.

Inspirasyon si Dingdong ng karamihan dahil sa napanatili niyang magandang imahen sa loob ng mahigit 20 taon. Hindi lang sa pagiging isang artista ito nagtapos. Sa kabila ng kabisihan niya bilang isang aktor, nagawa niyang mapagtagum-payan na makapagtapos pa rin ng kolehiyo, magkaroon ng sariling foundation, ang Yes Pinoy Foundation, at iba’t ibang advocacies. Bilang isang director, businessman at producer.

Pero sa lahat ng ito, ang pagiging asawa at ama sa “Dantes Squad” ang para kay Dingdong ay pinakamahalaga sa lahat.

“Mas lalo kong nare-assess ang sarili ko at mas klaro sa akin ang lahat na pamilya talaga at gagawin ko ang lahat para maitaguyod sila nang maayos,” sabi ni Dong.

Bilang isang Kapuso, sumagi ba sa isip niyang hindi mag-renew?

“Never, never,” saad niya.

Pero may offer sa kanya dati ang ibang network?

“Ang mahalaga ang ngayon, eh,” tila pag-iwas niyang sagutin nang diretso.
Isa sana siya sa papasok sa politika nga-yon, ngunit mas nakita nga raw niya na tama ang naging desisyon na ipagpaliban muna ito.

Sabi ni Dingdong, “Iba talaga eh, isang napaka-klarong senaryo sa akin ‘yung pagdating ni Baby Sixto. Nire-assess ko talaga at sa pamilya ko na gagawin ko ang lahat para mapalaki sila nang maayos.”

Korean Oppa ng GMA-7

Kasabay sa pagpirmang muli ni Dingdonhg ng kontrata sa GMA-7 ay ang announcement na siya nga ang gaganap bilang bidang actor na si Song Joong Ki.

Hindi pa raw masabi ni Dingdong kung kailan na nga niya ito sisimulang gawin.

Ilang pangalan ng Kapuso actresses ang naglalabasan na posibleng gumanap daw bilang si Dra. Kang o Beauty na ginampa-nan naman ng South Korean actress na si Song Hye Kyo.

Tinanong namin si Dingdong kung may “say” siya na pumili ng magiging leading lady niya.

“Ayoko,” ang mabilis niyang sagot.

“Ayoko sa aspetong ‘yun.”

May mga choices ba siya?

“Wala e, hindi pa namin napag-uusapan ‘yun at klaro naman sa akin ‘yun na hindi ako kasama sa ganu’ng decision-making. More of story, more of the cha-racter and the program as a whole.”

Pinanood na raw ni Dingdong ang Korean version ng “Descendants of the Sun” at siya mismo ay hindi raw ito mabitawan.

“I fell in-love kaagad.”

Nagulat naman si Dingdong nang i-enumerate niya ang mga Korean drama na nagawa na niya tulad ng “Stairway to Heaven,” “Endless Love” at ngayon ay DOTS. Sabi namin, siya pala ang Korean Oppa ng GMA-7 dahil halos lahat ng malalaking Korean drama, siya ang nag-adapt.

Saludo sa tibay, sakripisyo ni Marian

Kung gaano raw siya kasaya at ipinagmamalaki ang buhay ng ikalawang anak, kasabay nito ay mas lalo niyang pinapahalagahan ang kanyang misis, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ayon kay Dingdong, “As much as I celebrate the birth of my son, I also celebrate ‘yung life ni Marian. I want to celebrate her strength dahil grabe talaga ang pinagdadaanan ng mga nanay kapag pinapanganak nila ang sanggol.

“Buhay nila ang nakataya ro’n at siyempre, dinala nila ng nine months. Ibang respeto talaga lalo ang ibinibigay ko sa aking asawa. Dahil sa second child namin, I also wanna honor her and her sacrifices. Kung ano ang kailangan niya para ma-pamper siya, gagawin ko.”

Idolo ng mga batang aktor: ‘Mas may ibubuga pa kayo’

Naitanong din kay Dingdong kung ano ang maipapayo niya sa mga batang aktor na madalas, isa siya sa ginagawang idolo at inspirasyon. Na kapag tinanong ang mga ito, isa siya sa sinasabing gusto nilang maging sa kanilang career.
“My advice is don’t have the same career path because you’ll definitely have more.

“Maybe, you could be better. I know na lahat ng mga bago, magagaling. May kanya-kanyang katangian. They have to find their pagiging authentic, and stay true to it and they’ll be surprised of the possibilities, especially here in GMA. Basta ako, naka-suporta ko.”

Kahit may Ziggy na: Zia prinsesa ni Dong

Madalas sabihin na iba talaga ang baby boy para sa mga tatay. Although, hindi naman maikakaila na prinsesang-prinsesa si Zia para kay Dingdong, pero sa ikalawang anak nila ni Marian, nabigyan na siya ng pagkakataon na magkaroon ng “Junior” or si Jose Sixto ‘Ziggy’ Dantes IV.

“Well, ito, kumpara sa iba, mas tahimik. Mas suplado, parang ganu’n.
“Definitely, kailangan siya ang best person kung ano man ang magiging lahi ni Sixto. ‘Yung lahat ng mga learnings, siya na ‘yun, siya na ang magpapatuloy.”

May mga ibang pangalan din daw silang pinagpilian para sa anak, pero inamin nitong palagi raw lamang ‘yung gawing the IV ang unang anak na lalaki nila.

“I think, I’ll reserve that sa next – kung magkakaroon pa.”

Kahit days old pa lang si Ziggy, kitang-kita na agad ang kaguwapuhan nito. Pero sa ngayon, hindi pa raw niya masabi kung sino talaga ang mas kamukha sa kanila ni Marian.

The post Loyal Kapuso,mabuting asawa, ama: Dingdong walang dungis ang pagkatao appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *