Lovi winarningan kay Gerald

Kapuso pa rin ba o Kapamilya na? ‘Yan ang tanong ng mga fan.

lovi winarningan kay gerald - Lovi winarningan kay Gerald
lovi 6 - Lovi winarningan kay Gerald

Bagong tinatarget?

Kapuso pa rin ba o Kapamilya na? ‘Yan ang tanong ng mga fan.

Usap-usapan kasi ngayon na may pinaghahandaan itong proyekto ngayon na ang kasama ay puro Kapamilya actor.

Dalawang Kapamilya project daw ngayon ang nag-aabang sa Kapuso star na si Lovi. Ang isa ay makakasama niya ang controversial leading man sa panahong ito na si Gerald Anderson. Aba, parang nakakaintriga nga ang magaganap na ito.

Bumuhos nga agad ang reaksyon ng mga fan nang malamang magsasama si Lovi at Gerald sa isang pelikula.

“Lagot ka Lovi. Mag-ingat ka.”

“Bagong bibiktimahin na naman si Budoy.”

“Naku po!”

‘Yan at marami pang iba ang mga reaksyon ng mga fan tungkol sa tambalang Lovi at Gerald.

Samantala, bukod sa naturang proyekto, mayroon pang isang nakalatag para sa aktres kasama naman sina Tony Labrusca at Marco Gumabao na parehas Kapamilya star.

Inaasahan na magiging mapangahas ang pangalawang pelikulang nakahain sa aktres, knowing na hindi umaatras sa sexy role si Lovi habang palaban din ang dalawang aktor na makakasama niya.

Matatandaang mainit na pinag-usapan ang kissing scene ni Tony sa pelikulang “Glorious” habang umuulan ng magandang feedback sa social media ang sexy role ni Marco sa “Just A Stranger”. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *