Lovi Poe pantasya ang mga Koreano

Welcome to the club! Ang sabay-sabay na chika ng mga Filipina actress na nahuhumaling sa mga Korean actor kay Lovi Poe.

The post Lovi Poe pantasya ang mga Koreano first appeared on Abante.

lovi poe pantasya ang mga koreano - Lovi Poe pantasya ang mga Koreano
Lovi Poe 1 - Lovi Poe pantasya ang mga Koreano

Welcome to the club! Ang sabay-sabay na chika ng mga Filipina actress na nahuhumaling sa mga Korean actor kay Lovi Poe.

Yes, si Lovi nga ang bagong Pinay actress na baliw na baliw sa mga Koreano.

At umabot agad si Lovi sap unto na super pantasya siya na kasama niya sa isang photo ang idolo niyang si Park Seo Joon. Kaya super react talaga ang mga nauna na ngang maadik sa mga Korean actor.

Pero bilin nila kay Lovi, matutong pumila, dahil marami nga ang nag-aabang. Hindi raw puwede ang short cut, na kabago-bago mo pa lang, diretso ka na agad sa tabi ni Park Seo Joon.

Anyway, sa Instagram story naman ni Lovi ay si Ji Chang wook naman ang sinabi niyang tinututukan niya.

“The one time we share the same taste in men,” chika ni Lovi sa Instagram story ng kanyang nanay.

Yun na nga, sa unang pagkakataon daw ay nagkapareho sila ng taste ng kanyang ina, ha! At dahil `yon sa mga Koreano.

Well… (Dondon Sermino)

The post Lovi Poe pantasya ang mga Koreano first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *