Lovi patuloy na nagtatago

May mga kilala ako na follo-wers ni Lovi Poe sa Instagram (@lovipoe) ang nalilito kung nasaan na raw ba talaga ang sexy actress/singer?

The post Lovi patuloy na nagtatago appeared first on Abante News Online.

lovi patuloy na nagtatago - Lovi patuloy na nagtatago
ABANTE Lovi poe - Lovi patuloy na nagtatago

abante anything goes jun lalin 336x224 - Lovi patuloy na nagtatagoMay mga kilala ako na follo-wers ni Lovi Poe sa Instagram (@lovipoe) ang nalilito kung nasaan na raw ba talaga ang sexy actress/singer?

Minsan kasi may pino-post siyang picture na kuha sa New York, New York, then may kuha naman sa Los Angeles, California. So nasaan na ba talaga si Lovi?

Sabi ng isang napagtanungan ko, nakabalik na raw ng bansa si Lovi. Tahimik lang daw muna si Lovi habang pinaghahandaan ang new projects niya.

Baka jet lag pa? Well…

Gloria Diaz walang palag sa pagkapanalo ni Gazini

Bago ini-announce ang winners sa Grand Coronation Night ng Binibining Pilipinas 2019 noong Sunday (a­ctually, Monday na dahil past 1:00AM na ‘yon), nagkaroon muna ng closed door deliberation ang mga taga-Bini-bining Pilipinas Charities, Inc. headed by Mrs. Stella Marquez-Araneta at ang mga judge sa nasabing beauty pageant.

Nang maka-text ko kahapon si Miss Universe 1969 at isa sa mga judge noong Sunday, sinabi niyang ok sa kanya ang winner.

“Yes I chose 8 and all were in,” text back ni Tita Gloria sa akin na ang ibig sabihin ay pasok sa kanya ang anim na kinoronahan, pati na ang dalawang runner-up.

May mga nagsasabi na malakas daw ang representative ng Bataan na si Bea Patricia Magtanong at may mga gusto na ito ang maging top winner, pero si Gazini Christiana Ganados ang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2019 at si Bea nga na kapapasa lang sa 2018 Bar exams noong May 3 at isa nang abogada ay kinoronahang Binibining Pilipinas International 2019.

Who knows, baka maiuwi pa ni Bea ang Miss International 2019 title dahil bukod sa ang ganda niya, ang talino rin, huh!

Naaliw nga pala ako nang may magkuwento sa akin na nang may nagtanong sa isang aktor na isa sa judges sa nasabing beauty pageant kung nakipag-deliberate rin ba siya, sinabi raw ni aktor na tahimik lang ito at nakinig lang.

Anyway, marami naman ang nagsasabing bagay na maging kinatawan ng Philippines sa Miss Universe 2019 si Gazini.

Posible kayang magkaroon ng back-to-back Miss Universe ang Philippines at after Catriona Gray na Miss Universe 2018 ay maging Miss Universe 2019 naman si Gazini?

Well, sana, para mas bomongga pa ang bansa natin sa international beauty pageant history, huh!

Ai Ai-Bayani movie graded B sa CEB

Graded B ng CEB (Cinema Evaluation Board) ang “Fee-lennial (Feeing Millennial)” movie nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani na isa sa executive producers si Pops Fernandez.

Sobrang natuwa si Pops sa B grade ng “Feelennial.” Mas ginaganahan daw siya sa pagpo-promote.

Actually, hiniling nga ni Pops sa mga kaibigan niya sa entertainment press na mas i-promote pa ang “Feelennial” na rated PG naman ng MTRCB.

Sa June 17 na ang premiere night ng “Fee-lennial” sa SM Megamall cinema 4 at magi-ging star-studded ito dahil ang sipag ni Pops na mag-invite ng mga celebrity para manood.

Sa June 19 naman ang opening day sa mga sinehan ng “Feelennial” na hinuhulaang malakas ang hatak sa moviegoers dahil nakakaaliw ang trailer!

The post Lovi patuloy na nagtatago appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *