Lovi, Kiray nagpatambukan, nagpakinisan ng wetpaks

Pinagpipiyestahan ngayon ng mga netizen sina Lovi Poe at Kiray Celis dahil sa halos pareho nilang photo posting sa kani-kanilang Instagram. Parehong naglantad ng bikini body ang dalawa, suot ang one-piece bathing suit.

The post Lovi, Kiray nagpatambukan, nagpakinisan ng wetpaks appeared first on Abante News Online.

lovi kiray nagpatambukan nagpakinisan ng wetpaks - Lovi, Kiray nagpatambukan, nagpakinisan ng wetpaks
lovi 2 1 - Lovi, Kiray nagpatambukan, nagpakinisan ng wetpaks

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Lovi, Kiray nagpatambukan, nagpakinisan ng wetpaksPinagpipiyestahan ngayon ng mga netizen sina Lovi Poe at Kiray Celis dahil sa halos pareho nilang photo posting sa kani-kanilang Instagram. Parehong naglantad ng bikini body ang dalawa, suot ang one-piece bathing suit.

Hindi simple ang larawan dahil nakabalandra talaga ang kanilang mga puwet.

Si Lovi ay nasa Europe ngayon kung saan kasama niya ang kanyang foreigner boyfriend, na Hollywood producer nga raw. At si Kiray naman ay sa swimming pool dito sa Pilipinas.

Feeling ng mga netizen, nagpatalbugan ang dalawa sa pagpapakita ng kanilang mga wetpaks. At sino nga ba sa kanila ang sa tingin ng netizen ay may magandang hubog, at matambok na puwet?

Well, walang itulak kabigin sa dalawa dahil parehong makinis ang kanilang mga singit at puwet.

Pero kung hubog din lang ang pag-uusapan ay si Lovi na ang panalo. Makikita naman sa kanyang back view pose ang pagkakaroon ng proportionate body.

Mahaba ang shapely legs ni Lovi kaya bumagay sa kanya ang katamtamang hubog ng kanyang behind.

Pero kung sa patambukan ng puwet at laman naman ang pag-uusapan, kay Kiray na ang korona. Kitang-kita naman sa side view shot ng larawan niya habang umaahon sa pool ang matambok niyang puwet.

Hindi na mapapansin pa ang iksi ng mga binti ni Kiray dahil nakaagaw na ng atensyon ang kanyang lower bumper.

Kayo ba? Sino kina Kiray at Lovi ang winner?

Pia lunod sa kaligayahan kay Marlon

Hulog na hulog na sa pag-ibig niya sa dyowang car racer, host na si Marlon Stockinger, si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Idinaan ni Pia sa kanyang Instagram ang kasiyahan sa piling ng dyowa.

Nag-post si Pia ng larawan na magkadikit ang mukha nila ni Marlon. At sa caption ay nagpasalamat si Pia sa binata dahil sumasakay raw ito sa kanyang kakulitan.

“I know, I don’t always say this now, but I’m always so grateful to have my bestfriend by my side. He’s always putting up with my kulit,” sabi ni Pia.

Ramdam na ramdam ng lahat na lunod sa kaligayahan si Pia sa dyowa niya.

K Brosas saksi, naloka: Angeline ‘tinalakan’ ang mga kasambahay

Naloka, nabaliw si K Brosas nang malaman niyang na-prank siya ni Angeline Quinto.

Naka-post sa Instagram ni Angeline ang video na nagtatalak siya sa kasamahan niya sa bahay habang nandoon din sa loob si K.

Nagmi-meeting sina K at Angeline para sa magaganap nilang concert ngayong July.

Maririnig sa video na nagagalit at nagdadabog si Angeline sa loob ng kusina, dahil sa kanyang mga kasamahan sa bahay.

Kitang-kita ang pagkaasiwa ni K sa sitwasyon, at sa naririnig nitong galit ni Angeline sa tinawag niyang si Ryan. Nadagdagan ang pagkailang ni K nu’ng mag-walkout, at iniwan na lang siya basta ni Angeline sa bahay nito.

Sa caption, sinabi ni Angeline na kabado siya bago gawin ang prank dahil first time niyang gagawin ito na tatalak siya sa mga staff at sa loob ng bahay.

Sa posting ni K, inamin niyang naniwala siyang totoong nagalit si Angeline sa kanyang mga staff. Pang-best actress daw ang acting ni Angeline.

The post Lovi, Kiray nagpatambukan, nagpakinisan ng wetpaks appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *