Lovi ‘kinawawa’ ni Jenine Desiderio

Lalo ngang gumanda si Lovi Poe ngayon. Parang may nabago sa mukha niya, ha! Pero sabi nga, kaya ang ganda-ganda ni Lovi ngayon ay dahil punong-puno ng pag-ibig ang puso niya.

lovi kinawawa ni jenine desiderio - Lovi ‘kinawawa’ ni Jenine Desiderio
lovi 8 - Lovi ‘kinawawa’ ni Jenine Desiderio

Lalo ngang gumanda si Lovi Poe ngayon. Parang may nabago sa mukha niya, ha! Pero sabi nga, kaya ang ganda-ganda ni Lovi ngayon ay dahil punong-puno ng pag-ibig ang puso niya.

Lumalabas nga raw sa mukha ni Lovi ang kaligayahan, kaya ‘yun na nga, super ganda niya.

At makikita niyo nga ‘yon ngayon sa “Magpakailanman”, na kung saan ay bida nga si Lovi sa episode na “Pati Ba Pantig Ng Puso?”

Gagampanan ni lovi ang papel bilang si Anna, a young woman who was maltreated by a woman whom she had known to be her mother, only to find out later that she was adopted.

Malayo nga ang karakter ni Anna kay Lovi, dahil si Anna ay isang babaeng sugatan ang puso, samantalang si Lovi ay pagkasaya-saya ng puso.

At kung sa “Magpakailanman” ay naghahanap siya ng pag-ibig, sa tunay na buhay naman ay mukhang nahanap na talaga niya ang kanyang forever, ha!

Kasama ni Lovi sa episode na ito sina Jenine Desiderio bilang nanay na malupit, Anna Vicente, Dominic Rocco. Mula sa panulat ni Venuel Ello at sa direksyon ni Neal Del Rosario.

Siyanga pala, may kanta si Lovi, ang “Segundo” from Viva Records. Mapapakinggan na ito sa Spotify and ITunes. At mapapanood na rin ang music video sa YouTube.

Bida rin si Lovi sa “The Annulment”, kasama si Joem Bascon. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *