Lovi ka-live in na ang dyowa sa LA?

“In hiding” ba si Lovi Poe kaya ang tagal-tagal na niyang nawawala sa Philippine showbiz limelight at ang tagal na niyang nakabakasyon sa Los Angeles, California?

The post Lovi ka-live in na ang dyowa sa LA? appeared first on Abante News Online.

lovi ka live in na ang dyowa sa la - Lovi ka-live in na ang dyowa sa LA?
lovi 2 - Lovi ka-live in na ang dyowa sa LA?

Jun Lalin

abante anything goes jun lalin 336x224 - Lovi ka-live in na ang dyowa sa LA?“In hiding” ba si Lovi Poe kaya ang tagal-tagal na niyang nawawala sa Philippine showbiz limelight at ang tagal na niyang nakabakasyon sa Los Angeles, California?

Well, mukhang hindi naman dahil visible naman siya sa ilang events sa L.A. at kapag may mga taga-showbiz na nandoroon ay nakikipagkita naman siya.

May isang friend ako na nagkuwento na may “secret project” doon si Lovi at nang kumpirmahin ko sa isang close sa kanya ay sinabing true ‘yon, pero, “Ayaw ipangalandakan ni Lovi, better quiet na lang!”

Well, sana matuloy ‘yung bagay na ‘yon na gusto ni Lovi na ilihim muna. Pero kailan nga ba uuwi si Lovi? Ang duda kasi ng marami, hindi maiwan ng dalaga ang sinasabing boyfriend niya roon. Magka-live in na ba sila sa L.A.?

“Pauwi na siya sa end of the month. May m­eetings na rin na naka-set kasi she’s doing two movies plus may teleserye rin siya sa GMA-7 na ilalatag na sa kanya.

“So, uuwi na nga siya at medyo magtatagal bago bumalik uli ng L.A.,” sabi ng taong inusisa ko.

Teka! ‘Yung sinasabing boyfriend ni Lovi sa L.A. ay kasama ba niyang uuwi ng bansa?
Well…

Jana Victoria tutulong sa mga
kapus-palad na estudyante

Birthday ni Jana Victoria kahapon at kahit boyfriend-free siya ngayon ay masaya naman dahil muli nga siyang nagpapaka-active sa kanyang showbiz career. Kamakailan nga lang ay nag-sign siya ng management contract kay Annabelle Rama at very soon ay mag-start na siya sa “Love Thy Woman” teleserye ng ABS-CBN.

Sabi ni Jana, career na ang priority niya ngayon, kaya kahit araw-araw raw siyang mag-taping, okey lang sa kanya.

Wala nga palang big celebration si Jana para sa kanyang birthday kahapon, pero on Sunday, may outreach program siya sa isang charitable institution.
Imbes na gumastos daw siya for a party, namili na lang siya ng school supplies at panregalo sa mga bata at pinakiusapan niya ang mga kaibigang doktor na magbigay ng free medical and dental checkup sa mga batang gusto niyang tulungan.

“May ilang friends na tutulong sa akin para mag-organize ng charitable event na ito on Sunday. Nakakatuwa nga kasi si Giselle Sanchez, magho-host kasi may pa-games din, ‘tapos kakanta sina Ara Mina at Lance Raymundo,” sabi ni Jana.

Mamimigay rin sila ng medicines, kaya nakaka-happy raw na makakapagkawanggawa sila para nga sa kanyang birthday.

“May ilang friends din na tutulong, kaya nakakatuwa. Then we will order food and drinks para sa mga bata.

“Ang daming magtutulong-tulong for Sunday, kaya nakaka-happy,” sabi ni Jana.

Pokwang panalo ang akting sa ‘MMK’

Noong isang araw ay ka-text ko si Pokwang at kinongratulate ko siya sa “Maalaala Mo Kaya” guesting niya noong S­aturday kung saan ay gumanap siya bilang isang katutubo na nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagtitiyaga. Si Allen Dizon ang kapareha ni Pokwang sa MMK episode na ‘yon.

Nang sabihin ko Kay Pokwang na marami ang nagsasabing magaling siya sa episode na ‘yon ay nagpasalamat siya, pero nang sabihin ko na puwede siyang manalo ng award, sinabing, “Ay! Hahahahaha layo pa, pero salamat pa rin sa mga pumuri. “

Dahil more than one year old na ang bunso niyang si Malia ay mas nakakatanggap na ngayon ng trabaho si Pokwang.

The post Lovi ka-live in na ang dyowa sa LA? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *