Lovi ilusyunada, takam kina Wook, Joon

Binulabog ni Lovi Poe ang mga kaibigan sa showbiz, lalo na ang mga fan, sa inakala ng mga itong movie project nito, kasama sina Ji Chang Wook at Park Seo Joon.

The post Lovi ilusyunada, takam kina Wook, Joon first appeared on Abante.

lovi ilusyunada takam kina wook joon - Lovi ilusyunada, takam kina Wook, Joon
Ji Chang Wook - Lovi ilusyunada, takam kina Wook, Joon

Binulabog ni Lovi Poe ang mga kaibigan sa showbiz, lalo na ang mga fan, sa inakala ng mga itong movie project nito, kasama sina Ji Chang Wook at Park Seo Joon.

Iba-iba ang reaksiyon ng mga kaibigan ni Lovi. Tulad ni Yasmien Kurdi na nahulog sa upuan nang makita ang photo ni Lovi sa Instagram na kasama ang dalawang Korean actor. Napa-OMG naman si Sanya Lopez.

Nakabalandra sa IG ni Lovi ang edited poster nang naipalabas na movie niya noon, ang “Hindi Tayo Puwede”. Pinalitan ng mukha nina Wook at Joon ang orig na nasa poster na sina Marco Gumabao at Tony Labrusca.

Sa biglang tingin aakalaing totoo ang poster, pero dahil Tagalog ang title ng movie, doon malalamang good time lang ang poster na in-edit ng kanyang fan.

Umaabot na sa mahigit 3,000 ang mga comment sa post. At sabi nga, sobrang ilusyunada ni Lovi na matikman ang mga Koreano, ha! (Rey Pumaloy)

The post Lovi ilusyunada, takam kina Wook, Joon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *