Lovi hinamon ng paseksihan ni Alessandra

Tinawanan lang ni Lovi Poe ang hamon na paseksihan sa kanya ni Alessandra de Rossi sa Instagram. Nag-post si Alex ng two-piece bikini photo niya habang naglalakad sa tabing dagat at sa caption ay hinahamon niyang lumabas si Lovi para magkaalaman kung sino sa kanila ang mas sexy.

lovi hinamon ng paseksihan ni alessandra - Lovi hinamon ng paseksihan ni Alessandra
lovi poe 5 - Lovi hinamon ng paseksihan ni Alessandra

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 23 336x224 - Lovi hinamon ng paseksihan ni AlessandraTinawanan lang ni Lovi Poe ang hamon na paseksihan sa kanya ni Alessandra de Rossi sa Instagram. Nag-post si Alex ng two-piece bikini photo niya habang naglalakad sa tabing dagat at sa caption ay hinahamon niyang lumabas si Lovi para magkaalaman kung sino sa kanila ang mas sexy.

Nabasa ito ni Lovi at tumawa lang ito sa comment niya sa post ni Alex.

Sa paningin ni Alex, si Lovi ang pinakaseksing babae ngayon at sa kanyang pagbibiro, magagawa niyang makipagtapatan ng ganda ng pigura sa huli.

Ilan pa sa naaliw sa paghahamon na ito ni Alex ay sina Iza Calzado, Jhong Hilario at Heart Evangelista.

Nag-comment din si Alex kay Heart at sinabi nitong tatapatan niya ang pagiging fashionista ng huli, at magsusuot siya ng costume ni Maleficent.

Talagang pinanggigilan ni Alessandra si Lovi dahil nag-comment din ito sa isang photo ng Kapuso star na nakaupo sa beach bench suot ang isang string two-piece bikini.

Nakalantad ang toned-body ni Lovi, dahilan para mag-joke ito na huwag siyang hamunin ng aktres dahil pagod siya nu’ng mga sandaling ‘yon.

Kapamilya, Kapuso magsasama-sama sa Richard-Sarah wedding

Sa Pilipinas at hindi sa ibang bansa ang napiling lugar ng kasal nina Richard Gutierez at Sarah Lahbati sa March 2020.

Ang bongga nga nito, dahil sina Richard at Sarah ang kauna-unahang showbiz couple na magkakaroon ng update sa kaganapan ng kanilang wedding preparations sa lahat ng social media platform at sa iba pang live shows ng ABS-CBN kada buwan.

Maaari ngang abangan ang mga detalye ng kasal sa mga social media ng ABS-CBN.

At sa kasal na ito nga ay magsasama-sama ang mga Kapamilya at Kapuso star.

Kasi nga, lahat ng naging bahagi ng buhay nila, mga nakasama sa trabaho, ay imbitado sa kasal nila.

Ipinauubaya ni Richard kay Sarah ang halos lahat ng desisyon sa kanilang kasal. Gusto ni Richard na maging masaya si Sarah at masunod ang pinapangarap nitong wedding.

Ex-kasambahay ni Ai Ai timbog sa pagnanakaw

Ikinatuwa ni Ai Ai delas Alas ang pagkakatimbog ng dating yaya sa bahay nila, na nagnakaw ng mga alahas at pera ng kanyang ina.

Pinoste ni Ai Ai sa Instagram niya ang larawan ng dating yaya na nakaposas, kasama ang isa pang tao na mukhang nahuli rin.

Binilugan pa ni Ai Ai ang larawan ng dating kasambahay para lang i-emphasize ang mukha nito sa mga netizen. Sabi ni Ai Ai, karma ang tumira sa dating yaya, dahil gumawa na naman daw ito ng pagnanakaw sa isang tao.

Ipinanawagan ni Ai Ai sa awtoridad na huwag na ngang pakawalan ang dating housemaid. Sigurado raw siyang gagawa uli ito nang hindi maganda sa kapwa.

Panawagan pa ni Ai Ai, tandaan ang mukha ng kanyang dating yaya at huwag nang tanggapin ito sa mga susunod na aaplayan kung sakaling maabswelto uli ito, gaya nang pagkakalusot niya sa kasong isinampa ng komedyana laban sa huli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *