Lovi gusto nang maging Kapamilya?

Ang bongga lang ng ilang mga Kapuso exclusive star na nagagawang makapag-crossover sa ABS-CBN para sa promotion ng kanilang mga pelikula.

lovi gusto nang maging kapamilya - Lovi gusto nang maging Kapamilya?
lovi 11 - Lovi gusto nang maging Kapamilya?

Jun Lalin Anything Goes 39 336x224 - Lovi gusto nang maging Kapamilya?Ang bongga lang ng ilang mga Kapuso exclusive star na nagagawang makapag-crossover sa ABS-CBN para sa promotion ng kanilang mga pelikula.

Ang latest na nakapag-guest sa Kapamilya network ay ang prime actress ng GMA-7 na si Lovi Poe para sa promotions ng kanyang “The Annulment” movie under Regal Entertainment of Mother Lily and Roselle Monteverde.

Ang bongga!

Last Friday nga ay napanood si Lovi sa “Magandang Buhay” morning talk show nina Karla Estrada, Jolina Magdangal and Melai Cantiveros at nai-promote niya ang “The Annulment” movie nila ni Joem Bascon.

Pero siyempre, dahil nga lang ‘yon sa promotions ng “The Annulment” (na in fairness, kahit sa CNN Philippines ay nag-promote rin sina Lovi at Joem). Hindi naman puwedeng gawan ng issue si Lovi na tuluyan siyang mag-a-under the bakod sa Dos dahil sinabi naman niyang pinag-uusapan na ang bago niyang series sa Siyete, huh!

Actually, kamakailan nga ay nakitang nakikipag-meeting na si Lovi sa mga taga-Siyete. For sure, ang mga detalye na sa bago niyang series ang pinag-usapan nila roon.

Kamakailan nga pala ay lumabas sa social media ang uncut version ng trailer ng “The Annulment” at pinag-usapan ‘yon. Siyempre, aabangan sa pelikula nina Lovi at Joem ang ilang sizzling love scenes nila, ‘noh?!

Comfortable naman sa isa’t isa sina Lovi at Joem, kaya nagawa nila ang mga eksenang pinagawa sa kanila ng direktor nilang si McArthur Alejandre at pareho silang hindi na nag-inarte at umarte na lang kahit sa kanilang mga romansahan sa pelikula, ‘noh?!

JBK patok sa radyo

Alam mo, Dondon, nang mag-guest sa “Anything Goes” Facebook page ng Abante News Online ang grupong JBK, naaliw ako sa kanila.

Ang sayang katsikahan nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario, at Kim Ordonio at marami nga silang mga kuwento nang maging semi-finalist sila noong 2017 sa “X-Factor UK”.

Ang saya ng experiences nila sa London, United Kingdom, pati ang pagtitipid nila roon dahil mahal nga, pero may mga Pinoy naman na tumulong sa kanila.

Anyway, super happy ang JBK dahil sa magandang result ng latest song nila na “Anestisya”. After mai-release noong October 4 ang nasabing single ay grabe sa mga papuri at patuloy itong nire-request sa iba’t ibang FM stations. At ngayon nga ay nag-Top 5 pa ito sa Barangay LS.

Sa mga hindi nga pala nakapanood ng guesting ng JBK sa “Anything Goes” online show ko at para maaliw rin kayo sa kakalugan nilang tatlo, visit niyo lang ang Abante News Online page sa Facebook at hanapin niyo ang video na ‘yon.

Jolo, Angelica inaasikaso na ang kasal sa Pelican Hill

Nasa California ngayon ang mag-fiancé na sina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Angelica Alita. Obviously ay inaayos nila ang nalalapit nilang kasal sa Pelican Hill, Newport Beach.

Sa December 15 na kasi ‘yon. Nakita ko ang pictures nila na kasama ang family-friend nila na si Mary Ann Opeña habang nagdi-dinner sa Newport Beach.

Nang tanungin ko si Tita Mary Ann ay sinabing kadarating lang doon nina Jolo at Angelica at nagyaya nga sa kanila ng kanyang pamilya na mag-dinner.

Noong mag-aral kasi si Jolo sa California ay naging nanay-nanayan niya si Tita Mary Ann. So, mag-stay na ba roon sina Jolo at Angelica hanggang sa kasal nila sa December?

“Hindi. Uuwi sila next week at saka na lang babalik,” sey ni Tita Mary Ann.

Noong nasa California ako, nagpasama ako kay Tita Mary Ann sa Pelican Hill kaya nakita ko na ang lugar kung saan ikakasal sina Jolo at Angelica at na-feature ko na rin ‘yon sa Abante News Online.

Actually, nakarating na ako sa lugar na ‘yon noon pa at naisama na rin doon ni Tita Mary Ann ang kumare niyang si Gloria Diaz.

So nice ng lugar na ‘yon, sa totoo lang.

Ang bongga!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *