Lovi buhay reyna sa London

Sa tagal ng pagtatago ni Lovi Poe sa kanyang love life at sa kasintahan niyang foreigner, ipinakilala na ng GMA-7 contract star ang itsura ng lalaki sa pagpunta niya sa London.

The post Lovi buhay reyna sa London appeared first on Abante News Online.

lovi buhay reyna sa london - Lovi buhay reyna sa London
lovi 3 - Lovi buhay reyna sa London

Sa tagal ng pagtatago ni Lovi Poe sa kanyang love life at sa kasintahan niyang foreigner, ipinakilala na ng GMA-7 contract star ang itsura ng lalaki sa pagpunta niya sa London.

Ipinasilip muna ni Lovi sa kanyang photo posting ang selfie shot niya na kuha sa isang mall.

“My turn to wait,” ang chika niya.

Sa likod ay masisilip ang isang lalaking nakaupo sa isang mataas na bench at napapa-shoe shine. Ito rin ang lalaking kasama ni Lovi sa la-rawan, sa isang bar kasama ang isang Hollywood actor.

At sa pinaka-latest update niya sa kanyang London trip, ibinalandra na nito ang larawan ng kasintahan na kuha sa Royal Ascot, ang pinaka-sos-yal at pang-mayamang horse racing event sa London.

Bagama’t hindi binanggit ni Lovi ang lalaki ay pinaniniwalaan ng kanyang mga follower na ito ang la-ging kumakaray sa aktres sa mga trip abroad, gaya nga sa London.

Ito rin ang lalaking nagbibigay buhay-reyna sa aktres sa mga rampa nila sa ibang bansa.

Sa mga latest post ni Lovi, mistulang isang royalty o duchess ang drama niya sa karera. Ang naturang lalaki ang rason kung bakit hindi napipirmi si Lovi sa Pilipinas.

Wish ng kanyang mga tagahanga, sana magtuloy-tuloy ang relasyon ni Lovi sa bagong boyfriend. (Rey Pumaloy)

The post Lovi buhay reyna sa London appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *