Lovi biglang humagulgol sa recording

Nadala si Lovi Poe habang nire-record ang theme song ng coming movie niya na “The Annulment”, ang “Di Lang Ikaw” .

lovi biglang humagulgol sa recording - Lovi biglang humagulgol sa recording
lovi poe 6 - Lovi biglang humagulgol sa recording

Jun Nardo I Know Better 29 336x224 - Lovi biglang humagulgol sa recordingNadala si Lovi Poe habang nire-record ang theme song ng coming movie niya na “The Annulment”, ang “Di Lang Ikaw” .

Eh isinabay sa recording ang pagkuha ng music video ng kanta kaya nagulat ang nasa recording studio nang sa huling bahagi ng kanta, tumulo ang luha, at napahagulgol talaga siya.

Caption ng Primera Aktresa sa Instagram photo niya, “Serious about recording this super emote song foe #TheAnnulment! Medyo DI LANG IKAW ANG NAHIHIRAPAN and NASAKTAN dito…ako rin.”

Biro ng nakasaksi sa pagtulo ng luha ng Kapuso actress, “Baka may naalala siyang dating boyfriend kaya umiyak!”

Joem expert sa halikan

Samantala, sa isang interview kay Lovi sa isang vlog, habang pinapanood sa kanila ang trailer ng Regal movie at pinagkomento, nabanggit niya ang paglabas ng kissing scene nila ng leading man niyang si Joem Bascon.

“Magaling humalik si Joem!” ani Lovi.

Maine nag-ala Selena sa Halloween party

Nagpasiklab si Maine Mendoza sa isang Halloween party na dinaluhan niya. Hindi naman ‘yung tradisyunal na nakakatakot na costume ang suot niya kundi isang makinang na purple jumpsuit na ang look niya ay parang ang late American singer at designer na si Selena Quintanilla.

Pero ang malaking paandar ni Meng ay ang nagmumura niyang bangs!

Aprubado ng kanyang mga follower ang suot ng Phenomenal Star lalo na nu’ng mag-post siya ng isang picture sa Instagram na may hawak na microphone!

Gamit sa ‘pambabarang’ ni Maricel itinago sa Asylum

Bentang-benta sa mga tao ang bagong creature na mapapanood sa “The Heiress” ng Regal film, si Maralarang.

Umeksena sa Manila Haunted Festival ang creature kaya naman nagtilian ang mga nakakita sa kanya. Bibida siya sa maraming eksena sa horror film bilang mambabarang.

Anyway, kung gusto ninyong makita ang mga gamit sa pambabarang, nasa Asylum ito sa isang lumang bahay sa bandang E. Rodriguez Avenue sa halos tapat ng Christ The King Church.

Bida sa movie sina Maricel Soriano at Janella Salvador na paboritong artista ni Mother Lily sa kani-kanilang henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *