Lovelife ni Kris namatay agad

Kaaliw talaga si Kris Aquino! Puno ng mga nakakaaliw na hugot.

The post Lovelife ni Kris namatay agad first appeared on Abante.

lovelife ni kris namatay agad - Lovelife ni Kris namatay agad
Kris - Lovelife ni Kris namatay agad

Kaaliw talaga si Kris Aquino! Puno ng mga nakakaaliw na hugot.

Anyway, sa latest Instagram story niya, na kung saan ay inanunsiyo nga niya na magdadagdag pa siya ng mga bagong papremyo para sa mga follower niya, bilang pasasalamat nga sa mga blessing na dumarating sa kanya, lalo na sa Shopee, ipinakita niya ang mga makukulay na bulaklak na binigay sa kanya ng mga kaibigan sa loob at labas ng politika.

Isa-isa ngang binasa ni Kris ang mga card na kalakip ng mga regalo ng pamilya nina Pangilinan-Cuneta, Villar, Angara, at iba pa.

Matutuwa ka nga sa mga bulaklak sa lamera ni Kris habang nagsasalita siya, dahil sobrang makukulay talaga, na magpapaaliwalas ng pananaw mo sa buhay.

At nagkuwento nga siya, na may bulaklak siyang binili, na pinalagay niya sa plorera, at nag-suggest pa raw ang mga kasama niya sa bahay na lagyan ng foam para mas humaba ang buhay.

Pero, ilang araw lang daw ay nanguluntoy na ang mga bulaklak. Na ipinagtaka niya dahil aircon naman daw ang condo unit nila.

Ang nangyari pala, may foam nga, pero hindi naman nilagyan ng tubig, kaya `yun natsugi ang bulaklak.

“Two days nanguluntoy. Sabi ko, naka-aircon naman kami, so dapat mabubuhay siya ng matagal.

“So sabi ko, ‘Oh my God, the roses, parang lovelife ko lang, namatay kaagad! Hahahahaha!” sabi ni Kris na tawa nang tawa.

Tinukso tuloy siya nina Bimby at Atty. Gideon Pena dahil nga sa mga hugot niya, na sinagot ulit niya ng halakhak.

***

Sarah busog sa ‘talong’ ni Matteo

Happy tummy talaga si Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli, ha! Aba, kung hindi kokontrolin ni Sarah ang mga pagkain na isinusubo sa kanya, o pinapakain sa kanya ni Matteo, baka lumobo siya, ha!

Aba, iba talaga kapag may-ari ng restoran ang asawa mo, dahil ang magiging bonding niyo talaga ang pagkain. Pero, mabuti na rin lang at mahilig ding mag-exercise si Matteo, o alagang-alaga niya ang kanyang katawan, and for sure, ginagabayan din niya ang misis niya sa ganung lifestyle, kaya okey na rin.

Anyway, last Wednesday night nga ay pinagluto ulit ni Matteo si Sarah ng Vongole and grilled eggplant. Wife approved nga raw ang barilla.

“Only for the most beautiful woman in the world,” sabi ni Matteo, para sa pagkain na ihinanda niya para kay Sarah.

Pero siyempre, ibinida rin ni Matteo na ang dessert nila ay passion fruit chiffon cake na si Sarah mismo ang nag-bake. Na sabi nga niya ay super sarap.

Anyway, naaliw lang ang mga fan sa photo na pinost ni Matteo na hawak ang malaking talong na pinartner nga niya sa Vongole. Sa sobrang laki ay hindi nga magkasya sa kanyang kamay, at kaaliw nga ang expression ng kanyang mukha, ha!

Sabi nga ng mga fan, busog na busog si Sarah sa ‘talong’ ni Matteo. I mean, sat along na hinanda ni Matteo para kay Sarah.

Well, kitang-kita nga ang happiness kina Sarah at Matteo, na madalas ngang mag-bonding sa pagluluto, pagkain, ha!

At di ba nga, ang bonggang sikreto para tumagal ang pagsasama ay magsalo sa masarap na pagkain.

The post Lovelife ni Kris namatay agad first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *