Louise nakikipag-live in na sa dyowa

Louise nakikipag-live in na sa dyowa

Sa kauna-unahang pagkakataon ay umamin si Louise delos Reyes na ka-live in na niya ang kanyang non-showbiz boyfriend.

louise nakikipag live in na sa dyowa - Louise nakikipag-live in na sa dyowa
loise - Louise nakikipag-live in na sa dyowa

Umamin sa ‘Abantelliling’

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 336x224 - Louise nakikipag-live in na sa dyowaSa kauna-unahang pagkakataon ay umamin si Louise delos Reyes na ka-live in na niya ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Nagawa naming paaminin ni ­Dondon ­Sermino si ­Louise sa guesting niya sa “­Abantelliling” (online celebrity­ talk show namin sa Abante News Online) para sa promotion ng lalabas nilang movie na “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” na pinagbibidahan nina Dennis ­Padilla, Andrew E. at Janno Gibbs sa ilalim ng Viva Films.

Naging generous si Louise na ibahagi ang part na ito ng kanyang buhay, pero dahil diretsahan ­naming inurirat ang aktres kung nakikipag-live in na ito, walang pasubali na umamin ito.

Ayon kay Louise, ilang months na silang nagsasama ng kanyang non-showbiz boyfriend sa isang condo unit. Ang nakakaloka lang, hindi lang silang ­dalawa ng dyowa niya ang nakatira­ sa condo, dahil kasama rin nila pati ang dalawa niyang kaibigan.

Bago pa kasi nakilala ni Louise ang current love niya, kasama na niya sa isang unit ang kanyang mga kaibigan.

Anyway, walang nakikitang masama si ­Louise sa desisyon niya lalo at nasa hustong gulang­ na siya.

Marami nga lang adjustment na nangyari sa personal life ni Louise lalo at certified “maayos” siya sa kanyang tinitirahan.

Ang kanyang boyfriend daw ay makalat na ikinababaliw niya minsan, dahil gusto nga niyang super linis ang kanyang kuwarto.

Siyanga pala, kung sa inaakala ng marami na liberated ang boyfriend ni Louise, hindi raw ‘yon totoo. Isang nuknukan ng conservative ang kasintahan niya, partikular sa sinusuot ni Louise.

JK Labajo type maging Regal baby

Hindi na kataka-taka kung mababalitaang pinasok na rin ng “Buwan” singer na si JK Labajo ang pag-aartista. Sinabi mismo ng phenomenal singer na bukas siya sa anumang movie offer ng sinumang film production.

Dumalo si JK sa nakaraang birthday party ni Mother Lily Monteverde na ginanap sa Valencia Events place. Wala pang kongkretong movie pro­ject si JK pero posibleng maging aktor na rin ito dahil naroon sa okasyon ang producer ng Regal Entertainment na si Roselle Monteverde at pati na sina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti.

Kung ang pagbabasehan ay ang sagot ni JK, nananatiling smooth sailing pa rin ang relasyon niya sa international Pinay model na si ­Maureen Wroblewitz.

Nagningning ­bigla ang mga mata ni JK at ngumiti ito nang matanong sa estado ng relasyon nila ni Maureen.

Divina Valencia
posibleng mabulag

Humihingi ng dasal ang veteran actress na si Divina Valencia kaugnay sa problema nito sa kanyang mga mata. Idinaan ni Dave Rojo sa kanyang Facebook ang panawagan ng dasal na hinihingi ni Divina na nag-aalala sa kanyang kanang mata na naapektuhan sanhi ng diumano’y sakit niyang­ diabetes.

Si Dave ay matalik na kaibigan ni Divina, kahit noong nasa States pa ang dalawa. Kaibigan din ng ilang movie scribe si Dave, kabilang na ako.

Sabi pa ni Dave sa sinulat nitong mensahe sa throwback photo ni Divina, magiging balakid sa mga acting project at drama series assignment ng huli ang karamdaman nito sa mata.

Sabi nga ni Dave, ngayon pang ­nakabalik na sa industriya si ­Divina, saka naman ito nakakaranas ng proble­ma sa kanyang mata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *