Louise mukhang buntis

Itinanggi ni Louise delos Reyes na siya ay nagdadalantao, matapos siyang mapagkalamang buntis ng kanyang mga follower sa Instagram.

The post Louise mukhang buntis first appeared on Abante.

louise mukhang buntis - Louise mukhang buntis
Louise delos Reyes - Louise mukhang buntis

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Louise mukhang buntisItinanggi ni Louise delos Reyes na siya ay nagdadalantao, matapos siyang mapagkalamang buntis ng kanyang mga follower sa Instagram.

Masisilip sa Instagram ni Louise ang video kung saan nakasubsob ang ulo ng boyfriend niya sa kanyang tiyan at mahigpit din ang pagkakayakap nito sa kanya.

Halos ayaw bumitiw ng lalake sa pagkakasubsob at minsan ay humahalik ito sa tiyan ng aktres.

Nasa akto ng lambingan sa kanilang pagsasayaw ang dalawa. Dahil sa eksena ng lalake sa tiyan ni Louise, inakala tuloy ng kanyang mga follower at kasamahan sa showbiz na nagdadalantao ito.

Kaya marami sa mga comment sa post na binabati siya ng congratulations.

Sinagot naman isa-isa ni Louise ang mga nag-akala at itinanggi niyang buntis siya.

Ayon sa comment ni Louise, naglalambing ang dyowa niya at ayaw itong tumayo sa kinauupuan. Sabi pa ng aktres, wala pa sa plano nila ang magkaroon ng baby.

Kung ibibigay sa kanila ng Diyos ang mabuntis siya, hindi ito magiging problema dahil blessing ito.

***

Anak nina Aga, Charlene ninakawan

Nagpatulong si Charlene Gonzales sa kanyang mga follower para sa Instagtam account ng kanilang anak ni Aga Muhlach na si Atasha. Nakabalandra sa IG ni Charlene ang screenshot ng account ni Atasha na may nakalagay na “HACKED”.

Dalawa ang rason ni Charlene kung bakit ipinaalam niya sa IG ang pagkaka-hacked ng account ni Atasha, una ay upang bigyang babala ang mga follower niya at ng anak niya, na huwag maniwala sa modus operandi nang nang-hack, o para makapanloko ng kapwa.

Sabi pa ni Charlene, agad na ipaalam sa kanya kung may gumagamit sa pangalan ng kanyang dalaga.

Nagpatulong din si Charlene kung paano ang gagawin para maibalik sa kanila ang IG account o i-report ito. Mababasa sa comment ng mga fan ni Charlene na ang mga ito na ang nag-report sa admin ng IG.

The post Louise mukhang buntis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *