Louie Ocampo tampulan ng tukso sa ‘TNT’

Matapos maging usap-usapan ang tweet ng isa sa mga finalist ng “Tawag Ng Tanghalan” na si Shantal Cuizon, tila naging biru-biruan o inside joke na lang ito para sa mga host at hurado ng programa.

louie ocampo tampulan ng tukso sa tnt - Louie Ocampo tampulan ng tukso sa ‘TNT’
loui - Louie Ocampo tampulan ng tukso sa ‘TNT’

‘Composer ka lang’

Matapos maging usap-usapan ang tweet ng isa sa mga finalist ng “Tawag Ng Tanghalan” na si Shantal Cuizon, tila naging biru-biruan o inside joke na lang ito para sa mga host at hurado ng programa.

Sa episode ng TNT nitong Lunes, balik sa pagiging hurado si Louie Ocampo para sa “Instant Resbak” kung saan ang mga nasalbang defending champion noon ay maaaring mabigyan ng pagkakataon na magtapatan pa rin para makapasok sa grand finals.

This time, si Dulce ang punong hurado na inudyokan si Vice na ma-bring up o magbiro ulit tungkol sa trending na “composer ka lang” issue kamakailan.

“Sorry, composer lang ako,” hirit naman ni Louie nang turn naman niya na humatol sa contender sa oras na iyon.

Matatandaang naging usapan nga ang pagpalag ng finalist na si Shantal sa huradong si Louie via Twitter na umani ng maraming batikos mula sa mga netizen.

Pero nitong Sabado nga ay nagsalita si Vice Ganda bilang isa sa mga host ng programa tungkol sa isyu at pinangaralan ang kontender. Nag-sorry din naman si Shantal. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *