Lotlot busog sa pagmamahal kay Fadi

Natagpuan na nga ni Lotlot de Leon ang lalakeng saktong-sakto sa kanyang pinapangarap at dinadalangin.

The post Lotlot busog sa pagmamahal kay Fadi appeared first on Abante News Online.

lotlot busog sa pagmamahal kay fadi - Lotlot busog sa pagmamahal kay Fadi
lotlot - Lotlot busog sa pagmamahal kay Fadi

Natagpuan na nga ni Lotlot de Leon ang lalakeng saktong-sakto sa kanyang pinapangarap at dinadalangin.

Sa birthday greetings ni Lotlot sa kanyang asawang si Fadi El Soury sa Instagram post nito ng iba’t ibang photo nila na magkasama, pinuri at inisa-isa ng aktres ang mga katangian ng asawa.

Sa caption, sinabi ni Lotlot kung gaano sinusuportahan ng kanyang mister ang trabaho nito at lahat ng kanyang ginagawa na may kinalaman sa kanyang karera.

Hindi lang sweet kundi maalalahanin pa ito at laging inuuna ang kanyang nararamdaman. Lagi nitong inaalam ang kalagayan ni Lotlot at kung ‘okay’ lang ba ito.

Maunawain at magaling sa timing kung kailan kakausapin ni Fadi si Lotlot sa mga bagay na nais nitong ipaintindi sa kanya. Hindi lang siya ang minahal ng kanyang mister, kundi ang kanyang mga anak.

Mahal na mahal din nito ang kanyang pamilya sa ibang bansa at sinabing nami-miss nito ang mga ito. Sabi nga ni Lotlot sa iba pang isinulat na caption, si Fadi ang lala­king ipinagdasal niya sa Diyos at nagpapasa­lamat siya kay Lord na ito ang ibinigay sa kanya.

The post Lotlot busog sa pagmamahal kay Fadi appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *