Lorin isasabak sa beauty pageant

Alam mo, Dondon, emotio­nal ako kahapon while talking to Ruffa Gutierrez about the food tasting last night para sa Sweet 16 post birthday party ng panganay niyang si Lorin Gutierrez (August 3 ang birthday niya).

The post Lorin isasabak sa beauty pageant appeared first on Abante News Online.

lorin isasabak sa beauty pageant - Lorin isasabak sa beauty pageant
ABANTE lorin - Lorin isasabak sa beauty pageant

ANYTHING GOES
Jun Lalin

Alam mo, Dondon, emotio­nal ako kahapon while talking to Ruffa Gutierrez about the food tasting last night para sa Sweet 16 post birthday party ng panganay niyang si Lorin Gutierrez (August 3 ang birthday niya).

How time flies!
I still remember nang umalis kami ng Los Angeles, California noong 2003 na baby pa si Lorin at kasama kami nina Eddie Gutierrez at Annabele Rama na naghatid sa mag-ina sa Istanbul, Turkey.

That time, sobrang happy pa ang pagsasama nina Ruffa at Yilmaz Bektas at napaka-sweet nga ng huli, pina-decorate pa ang room ng kanilang panganay bilang pag-welcome sa kanilang baby sa Istanbul.

Tandang-tanda ko pa na halos hindi kami lumalabas ng bahay nila sa Istanbul dahil ini-enjoy nila ang pag-aalaga kay Lorin kahit pa nga may kinuha silang Pinay yaya for their baby.

Biniro ko pa nga si Bisaya na tatalon na ako sa terrace ng bahay dahil ilang araw na kami doon ay hindi ko pa nakikita ang downtown ng Istanbul.

Eh, ang bansa pa namang ‘yon, nasa dalawang continent — ang isa ay sa Europe at ang isa ay nasa Asia.

Anyway, that time, kinakarga-karga ko pa si Lorin na sob­rang liit pa, pero ngayon nga, kapag nakakasama ko, my gosh, ang laki na, huh!

The other day nga lang, kasama ko ang ilang friend ko at tinitingnan nila ang Instagram account niya (@loringab­riella) at ang komento nila, parang dalaga na talaga si Lorin.

“Sana sumali rin siya sa mga beauty pageant like her mom,” komento ng isang friend ko nang makita kung gaano ka-sexy si Lorin na naka-bathing suit sa kanyang IG post.

Going back to the food tasting kagabi, talagang tutok si Lorin sa magiging Sweet 16 party niya.

Sa food tasting naman last Friday, sila lang ni Ruffa ang magkasama at kuwento sa akin ng nanay, sobra raw na-touch ang kanyang panganay nang magkuwento ang mga tao doon na sila rin ang nag-cater sa debut ni Ruffa.

“Nagkukuwento sila na hanggang ngayon hindi nila makalimutan ang debut party ko sa Coconut Plaza dahil ang dami raw bisita.

“Si Lorin naman, na-excite. Parang bukod sa Sweet 16 party niya, gusto na rin niyang mag-debut party.

“Na-excite siya sa mga ikinuwento no’ng mga tao sa food tasting na nag-cater din sa debut party ko,” sey ni Ruffa nang makasama ko naman siya over lunch noong isang araw sa Marriott Hotel.

How time flies talaga!

The post Lorin isasabak sa beauty pageant appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *