Lorin gumaganda habang lumalaki

Sixteen is the new 18, kaya naman si Lorin Gutierrez, panganay ni Ruffa Gutierrez sa asawang si Ylmas Bektas, ay nag-celebrate na ng kanyang pasabog na 16th birthday last Saturday sa White Space, Chino Roces Avenue Extension, Makati City.

lorin gumaganda habang lumalaki - Lorin gumaganda habang lumalaki
lorin 2 - Lorin gumaganda habang lumalaki

Jun Nardo I Know Better 6 336x224 - Lorin gumaganda habang lumalakiSixteen is the new 18, kaya naman si Lorin Gutierrez, panganay ni Ruffa Gutierrez sa asawang si Ylmas Bektas, ay nag-celebrate na ng kanyang pasabog na 16th birthday last Saturday sa White Space, Chino Roces Avenue Extension, Makati City.

Very millennial ang konsepto ng party na bagong version ng disco ang tema. Sakop ng mga bisita ang stage at sahig bilang dance floor na may makulay na wide screen as background sa stage featuring ang look ni Lorin, na lumalaking maganda!

Nasa isang table si Annabelle Rama na nagmamasid-masid sa mga millennial na bisita ng apo. Ang ina namang si Rufing ay nasa dance floor rin pero hindi nagsasayaw.

Basta chikahan lang siya with good friends Donita Rose, Vina Morales habang ang mga kaibigang sina Jackie Forster at Samantha Lopez ay dance to the max, huh!

Ilan sa early visitors ay ang kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Dumating din si Julia Barretto at ilang politicians.

Birthday wish ni Julia kay Lorin, “Huwag muna magbu-boyfriend.”

Bago ang blowing ng cake, nagpasalamat si Lorin sa lahat ng dumalo.

Heto naman ang birthday message si Ruffa kay Lorin.

“I still remember when you were a baby and now you’re already a young lady. Study hard, be a good girl @loringabriella and continue making us proud. I’ll save the rest for your sweet 16th birthday celebration.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *