Lorin bantay-sarado ni Ruffa sa b-day party

Alam mo, ­Dondon, feel na feel ko ang ­pagiging isa sa “Tito’s of ­Manila” sa Sweet 16 ­birthday ­party ni Lorin ­Gutierrez na ginanap sa Whitespace ­Manila na katabi lang ng Abante office/studio­, huh!

lorin bantay sarado ni ruffa sa b day party - Lorin bantay-sarado ni Ruffa sa b-day party
lorin 1 - Lorin bantay-sarado ni Ruffa sa b-day party

Jun Lalin Anything Goes 4 336x224 - Lorin bantay-sarado ni Ruffa sa b-day partyAlam mo, ­Dondon, feel na feel ko ang ­pagiging isa sa “Tito’s of ­Manila” sa Sweet 16 ­birthday ­party ni Lorin ­Gutierrez na ginanap sa Whitespace ­Manila na katabi lang ng Abante office/studio­, huh!

Siyempre, ­majority ng mga bisita ay ­ka-edad ng panganay ni Ruffa Gutierrez.

Alam mo ba, ­Dondon, na like Ruffa, ang huwag munang mag-boyfriend si Lorin ang wish ng mga karamihan sa um-attend sa birthday ng teenager, huh!

Siyempre, natuwa naman­ si Ruffa ­dahil ­hindi lang siya ang nagre-remind kay ­Lorin na huwag munang ­intindihin ang love life at pag-aaral muna ang atupagin.

Para naman kina Lolo Eddie ­Gutierrez at Lola Annabelle ­Rama, bilib sila kay Lorin­ dahil studies nga ang priority ng kanilang apo. Pero naaliw nga pala ako kay ­Bisaya dahil talagang napapatayo siya sa kanyang panga­nay na apo sa tuwing may mga boy na luma­lapit dito, huh!

Hahaha!

Past 11:00PM na nang umalis ako sa party ni ­Lorin, pero nagkakasiyahan pa ang lahat. Pati sina Lolo Eddie at Lola Annabelle, nandoroon pa rin.
Si Ruffa, “nakabantay” pa rin.

Pero sina ­Richard ­Gutierrez at Sarah ­Lahbati, 9:00PM pa lang ay umuwi na dahil kasama nila ang panganay na si Zion.

Panay nga ang pigil ni ­Lorin sa kanila, pero itinuturo ni Richard si Zion na nagyayaya na raw umuwi.

Juliana Gomez bawal pang magkadyowa

Sabi ni Ormoc City Mayor Richard Gomez nang makatsikahan ko, ang huwag munang mag-boyfriend ang advice­ niya kay Lorin at advice rin niya sa anak na si Juliana na 19 years old na at freshman na sa college.

Kasama rin ni Goma sa party ang misis na si Congress­­wo­man Lucy Torres-­Gomez, pero si ­Juliana raw, may pinun­tahang ibang party, kaya silang mag-asawa na lang ang nagpunta roon.

Namataan ko rin si Lorna ­Tolentino na ninang ni ­Lorin. ­Hindi raw niya puwedeng ma-miss ang party­ ni Lorin ­dahil ­ngayon lang niya uli makikita ang inaanak after­ ilang years.

Sabi ni LT, enjoy ­naman siya sa party ­kahit na malapit na rin siyang mag-senior citizen na hindi ­naman obvious ­dahil very flawless pa rin ang beauty niya, huh!

Star studded party mapapanood sa ‘Anything Goes’

Ang sweet naman ng mag-inang Jackie Forster at Kobe Paras. Talagang enjoy sila sa party.

Nang mag-11:OOPM na, nagma­madali na si Jackie dahil dede­re­tso na raw siya sa airport at 2:00AM ang flight niya pabalik ng China dahil doon na siya based.

Mas malapit na sa bansa si Jackie, kaya mas madalas na niyang madadalaw si Kobe (pati si Andrei?) compared noong sa London, United Kingdom pa sila nakatira.

Sa rami nga pala ng mga bisita sa party ni Lorin ay hindi ko na nabanggit isa-isa, kaya panoorin na lang ang buong kaganapan sa party ng panganay ni Ruffa sa Anything Goes online show ko sa ­Facebook page ng Abante News Online ngayong 2:00PM!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *