Lopez pokus sa Olympics

NAKATUTOK ang magandang Philippine national taekwondo team member na si Pauline Lopez na makatuntong sa 2020 Tokyo Olympics kasama ang mga kapwa naghahangad na sina Samuel Morrison at 2016 Rio de Janeiro Olympian Elaine Alora sa pagsisimula ng kampanya sa ika-30 Southeast Asian Games sa Nobyembre.

lopez pokus sa olympics - Lopez pokus sa Olympics
pauline 1 - Lopez pokus sa Olympics

NAKATUTOK ang magandang Philippine national taekwondo team member na si Pauline Lopez na makatuntong sa 2020 Tokyo Olympics kasama ang mga kapwa naghahangad na sina Samuel Morrison at 2016 Rio de Janeiro Olympian Elaine Alora sa pagsisimula ng kampanya sa ika-30 Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Si Lopez, na madalas na nakakapagwagi ng medalya sa SEA Games, ay nakasungkit ng medalyang tanso sa 18th Asian Games nakaraang taon, na pilit nitong lalampasan sa pagsabak sa susunod na mga Olympic Qualifying Tournament.

“Pinaghahandaan ko po ng husto ang nalalapit na SEA Games dahil isa po itong proseso para makasama kami sa mga isasali sa mga nakatakdang ganapin na Olympic Qualifying tournament,” sabi ni Lopez, sa isinagawa na launching ng pagiging ambassadress nito sa sports drink na MILO na sponsor sa SEA Games.

Si Alora ay nagawa namang makapagwagi ng pilak sa Asian Olympic Qualification Tournament na nagsilbing daan nito para makasabak sa Summer Games sa Rio de Janeiro noong 2016.

Madalas na magwagi naman si Morrison sa men’s -74kgs. division sa SEA Games sa nakalipas na apat na taon.

Aasahan din ang poomsae squads na nagawa makapagwagi ng pares ng tanso sa nakalipas na Asian Games.

Hangad din ng koponan na makabawi mula sa nakakadismayang kampanya noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan nabigo itong makapag-uwi ng ginto. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *