Loonie binantaang papatayin, inakusahang shabu user

Nagbigay ng pahayag sa publiko si Idyll L­­i Peroramas, kapatid at tumatayong manager ng sikat na rapper na si Loonie, kaugnay sa tunay na kalagayan ng kapatid na rapper ngayon.

The post Loonie binantaang papatayin, inakusahang shabu user appeared first on Abante News Online.

loonie binantaang papatayin inakusahang shabu user - Loonie binantaang papatayin, inakusahang shabu user
loonie 2 - Loonie binantaang papatayin, inakusahang shabu user

Nagbigay ng pahayag sa publiko si Idyll L­­i Peroramas, kapatid at tumatayong manager ng sikat na rapper na si Loonie, kaugnay sa tunay na kalagayan ng kapatid na rapper ngayon.

Sinasabing magle-lay low muna sa industriya ang kanyang kapatid para sa kaligtasan nito.

“Death threat, annulment, false accusation on shabu use, and depression are issues that should not be taken lightly by anyone,” unang bahagi sa pahayag ni Idyll.

Ipinaliwanag pa nito isa-isa ang bawat sentimyento niya sa kada binitawan umanong akusasyon sa kanyang kapatid.

Unang ipinunto nito ang mga death threat na natatanggap daw ng kanyang kapatid na nagmula pa noong 2011 mula sa isang nagpanggap na fan para magpa-picture pero intensyon palang saktan, saksakin ang rapper.

Noong nakaraang linggo naman daw ay personal na nakatanggap ng death threat si Loonie mula sa suspek na may pahiwatig na aatakihin siya pagkatapos ng Ramadan.

Nakipag-ugnayan na raw sila sa mga pulis at sa kanilang mga abogado.

Inaakusahan si Loonie na gumagamit ng shabu at si­guradong kakasuhan nga raw nila ng libelo ang mga ito.

“Loonie is an open book. When he is ready and able, we look forward that he will share this season of his life and use his platform to inspire o­thers­ toward recovery,” dagdag pa ni Idyll.

Sa nga-yon ay humuhugot nga ng lakas si Loonie at ang pamilya nito sa mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa rapper.

Maraming fan ang hindi talaga iniwan si Loonie sa laban na ito kaya inaasahan talagang malalagpasan ng rapper ang pinagdaraanan niya ngayon. (Athena Yap)

The post Loonie binantaang papatayin, inakusahang shabu user appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *