Lola sa Dipolog nangabog sa ‘TNT’

Pasok sina Violeta Bayawa ng Dipolog, Zamboanga del Norte at Julius Cawaling ng Bacoor, Cavite bilang pinakabagong grand finalists ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime” matapos manaig ang kanilang boses sa buong linggong Quarter 4 semifinals na nagtapos noong Sabado (Agosto 31).

lola sa dipolog nangabog sa tnt - Lola sa Dipolog nangabog sa ‘TNT’
tnt 6 - Lola sa Dipolog nangabog sa ‘TNT’

Pasok sina Violeta Bayawa ng Dipolog, Zamboanga del Norte at Julius Cawaling ng Bacoor, Cavite bilang pinakabagong grand finalists ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime” matapos manaig ang kanilang boses sa buong linggong Quarter 4 semifinals na nagtapos noong Sabado (Agosto 31).

Nanguna ang combined score na 88.82% ng fan favorite na si Violeta, 70, mula sa madlang people votes at hurado scores matapos siyang magbigay ng makabagbag-damdaming bersyon ng “Saan Ka Man Naroroon” at paiyakin ang studio audience, mga hurado, at mga manonood nang makita ng kanyang anak sa unang pagkakataon ang ama nito, ang unang asawang minamahal niya pa rin hanggang ngayon.

Sumunod naman si Julius, na parte ng isang bandang tumutulong sa mga mahihirap na batang makabili ng school supplies, sa combined score niyang 61.61%. Ito ay matapos din siyang purihin para sa performance niya ng “Titanium” ng huradong si Ogie Alcasid na sinabing pagaling nang pagaling ang 38-anyos na bandista.

Parehong nanalo ng tig-P150,000 ang dalawa at ng pagkakataong maging grand champion ng kasalukuyang taon ng “Tawag ng Tanghalan,” laban sa iba pang grand finalists na sina Elaine Duran, Ranillo Enriquez, John Mark Saga, John Michael Dela Cerna, Charizze Arnigo, at Jonas Oñate.

Kahapon ay binuksan ang matinding labanan para sa pangarap sa “Instant Rebak” week ng “Tawag ng Tanghalan”, kung saan nagharap ang 16 instant resbakers na pambato ng mga hurado. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *