‘LOL’ ni Billy sa TV5 ‘di lalaban sa ‘Showtime’, ‘Bulaga’

Simula ngayon ay sa TV5 na mapapanood si Billy Crawford. Pwedeng-pwede nga sigurong sabihin na ang baby ay may dalang suwerte.

The post ‘LOL’ ni Billy sa TV5 ‘di lalaban sa ‘Showtime’, ‘Bulaga’ first appeared on Abante.

lol ni billy sa tv5 di lalaban sa showtime bulaga - ‘LOL’ ni Billy sa TV5 ‘di lalaban sa ‘Showtime’, ‘Bulaga’
Billy Crawford - ‘LOL’ ni Billy sa TV5 ‘di lalaban sa ‘Showtime’, ‘Bulaga’

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - ‘LOL’ ni Billy sa TV5 ‘di lalaban sa ‘Showtime’, ‘Bulaga’Simula ngayon ay sa TV5 na mapapanood si Billy Crawford. Pwedeng-pwede nga sigurong sabihin na ang baby ay may dalang suwerte.

Halos kasabay ng pagiging bagong Daddy ni Billy sa baby nila ng Misis na si Coleen Garcia, ang bagong opportunity naman niya ngayong may pandemya pa rin. Dalawa agad ang show niya sa TV5.

Si Billy ang host ng The Masked Singer at sa daily noontime show na LOL o Lunch Out Loud na magsisimula na ngayong Lunes, October 19.

Aminado naman si Billy na kasabay ng pagiging grateful niya sa bagong trabaho, may kaba dahil sa situwasyon ngayon plus may baby siya na uuwian sa bahay.

“Siyempre, ‘yung risk din po na kapapanganak nga lang ni Coleen, so ‘yung kaba, ‘yun ‘yung pinaka-nakakatakot para sa amin. Pero ‘yung working hours po, hindi po kami nage-exceed ng mga working hours. So, I still have time with my kid.”

At ngayon daw, kapag nasa trabaho siya, pakiramdam daw niya ay laging gusto niyang umuwi na.

“Alam n’yo ‘yung pag nasa trabaho ka, kahit katutuntong mo lang du’n, uwing-uwi ka na dahil gusto mo lang siyang makuha or mayakap or mapa-burp man lang.

“Pero ‘yun ‘yung ilang mga sakripisyo na kailangan pong gawin ng isang tatay para matawid nang maayos ‘yung pangarap ng anak namin.”

Bukod sa Eat Bulaga na longest-running noontime show, katapat na rin ng bagong show nila ang dati niyang noontime show na It’s Showtime. Alam daw niya na maipagkukumpara o compete, pero nilinaw naman ni Billy na hindi raw sila nakikipagkumpetensiya sa mga nauna na.

“We’re not trying to compete, hindi po kami nakikipagkumpetensiya dahil may mga talagang sobrang nauna na po sa amin talaga. ‘Yan po ang Eat Bulaga, pati na rin ang It’s Showtime. We just want to add more fun and we just want to send more love out there and hopefully, inspire people, lahat ng nanonood po, na makatulong po tayo. Magsama-sama at magkaisa po. ‘Yan po ang gusto naming paratingin sa buong mundo na unity is more important and humility,” sey niya.

***

Crawford saludo: Coleen super ‘padede mom’

Sa kanila, humahanga naman daw siya sa Misis niya na ito muna ang nagsasakripisyo at kasama ng baby nila. Kung sakali at gusto na nitong bumalik ng work, na kay Coleen daw ang magiging desisyon.

“Hindi naman maiiwasan ‘yung pakiramdam ni Coleen na gusto niyang bumalik sa trabaho pero talagang du’n po talaga ako humahanga sa kanya as in saludong-saludo po ako sa kanya, ‘yung lahat ng sakripisyo niya para sa anak namin. As in halos every 30 minutes, she’s breastfeeding.

“Pero kung may offer, gusto niyang tanggapin, it’s up to her. Pagdating sa career naman, hindi naman kami nakikialam sa isa’t-isa.”

The post ‘LOL’ ni Billy sa TV5 ‘di lalaban sa ‘Showtime’, ‘Bulaga’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *