Loisa, Ronnie ‘mag-asawa’ na

“Sana all”. Sigaw ng mga fan sa nakakakilig na pagtatanggol ni Ronnie Alonte kay Loisa Andalio laban sa mga basher.

loisa ronnie mag asawa na - Loisa, Ronnie ‘mag-asawa’ na
loisa 4 - Loisa, Ronnie ‘mag-asawa’ na

“Sana all”. Sigaw ng mga fan sa nakakakilig na pagtatanggol ni Ronnie Alonte kay Loisa Andalio laban sa mga basher.

Nagbahagi kasi si Loisa sa kanyang Instagram ng litarato ni Ronnie na may caption na “ang gwapo naman ng mister ko (heart eyes emoji).”

Kasunod ‘yan ng katatapos lamang na ABS-CBN Ball.

Suot ang kanyang barong, hindi talaga maitatanggi ang charm ng aktor sa litratong ibinahagi ni Loisa, at no wonder kung bakit super in love nga siya sa dyowa niya.

Pero umeksena nga ang isang netizen at sinabing, “ang tanong, ikaw ba ang gusto niya maging misis?”

Siyempre, nagalit si Ronnie, at tinapos ang laban sa simpleng pagsagot na: “Oo, bakit?”

Ayun, sunog agad at hindi nakapalag ang basher. Tapos agad ang laban! (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *