Loisa handa nang magpa-sexy

“Fearless.” U­nang salita na p­umapasok sa isip ng beteranong host na si Boy Abunda tuwing maririnig ang pangalan ni Loisa Andalio.

The post Loisa handa nang magpa-sexy appeared first on Abante News Online.

loisa handa nang magpa sexy - Loisa handa nang magpa-sexy
Loisa Andalio - Loisa handa nang magpa-sexy

“Fearless.” U­nang salita na p­umapasok sa isip ng beteranong host na si Boy Abunda tuwing maririnig ang pangalan ni Loisa Andalio.

Kaya naman sa pa-ngalawang pagkakataon ay muling naimbitahan si Loisa sa TWBA para ihayag ang mga bagay na hindi pa niya nalilinaw sa publiko matapos kumalat ang kontrobersyal na scandal issue.

“Una kumbaga kahit anong pagsubok ‘yung dumaan sa ‘yo, ‘wag kang susuko. Kumbaga dapat lahat ng nangyayari, dapat may lesson, kasi kung walang lesson, wala lang ‘yon,” ani Loisa.

Bukod pa riyan, kumukuha raw ng lakas si Loisa sa kanyang pamilya, kaibigan at kay Ronnie na kanyang boyfriend, dahil sila raw talaga ang naroon para sa kanya kahit anong mangyari.

Sunod na tanong naman ni Tito Boy ay kung ready na ba ang aktres sa daring roles? Gaano ka-daring kaya ang kaya ni Loisa?

“Ready ako para sa mga mas… ‘yung matured na role na hindi super sexy na mas drama, mas may bigat na karga, mas malalim ‘yung pinanggagalingan,” aniya. (Athena Yap)

The post Loisa handa nang magpa-sexy appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *