Loisa binalikan ang kahirapan

Ipinagdiwang ng batang aktres na si Loisa Andalio ang kanyang ika-limang taon sa industriya ng showbiz.

The post Loisa binalikan ang kahirapan appeared first on Abante News Online.

loisa binalikan ang kahirapan - Loisa binalikan ang kahirapan
Untitled 4 28 - Loisa binalikan ang kahirapan

Ipinagdiwang ng batang aktres na si Loisa Andalio ang kanyang ika-limang taon sa industriya ng showbiz.

Nagbalik-tanaw siya at pinost ang mga throwback picture niya noong panahon na housemate pa siya sa ‘Pinoy Big Brother: All In’.

Nagpapasalamat ang aktres na mula sa pagiging ‘Talented Darling ng Parañaque’ sa PBB, ngayon ay tinatamasa niya na ang lahat ng pinapangarap niya lalong-lalo na at patapos na ang bahay na ipinatatayo niya.

Maraming fan naman ang nag-react sa post ni Loisa, binahagi pa ang bagay na naaalala nila tungkol sa aktres bilang PBB housemate, habang sunod-sunod din ang pagbati sa kanya ng congratulations ng iba pang mga fan.

Laking tuwa rin ng mga fan na hindi suplada ang aktres at nagre-reply sa mga reaksyon ng kanyang mga supporters. (Athena Yap)

The post Loisa binalikan ang kahirapan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *