Loisa Andalio naghubad sa IG, YT

Pumayat, nagpakulot, at umawra-awra lang sa Instagram, nakahakot na agad ng 8.1 million follower si Loisa Andalio. Last week ay 8 million pa lang ang follower ni Loisa sa IG, pero nitong Biyernes ay nadagdagan agad ito ng 100K, ha!

The post Loisa Andalio naghubad sa IG, YT first appeared on Abante.

loisa andalio naghubad sa ig yt - Loisa Andalio naghubad sa IG, YT
loisa - Loisa Andalio naghubad sa IG, YT

Rey pumalopy 8 300x200 - Loisa Andalio naghubad sa IG, YTPumayat, nagpakulot, at umawra-awra lang sa Instagram, nakahakot na agad ng 8.1 million follower si Loisa Andalio. Last week ay 8 million pa lang ang follower ni Loisa sa IG, pero nitong Biyernes ay nadagdagan agad ito ng 100K, ha!

Ang madalas ibalandra ni Loisa sa IG ay ang kanyang mukha, katawan, at pagti-Tiktok.

Kaloka lang na noong magsuot ng two-piece bikini ang aktres, biglang dumami ang kanyang mga follower, ha!

At kahit sa YouTube, madali niyang na-achieve ang 200K subscriber. At habang sinusulat ang item na ito, nasa 211K na ang interesado sa YT niya.

 

Naglaitan dahil kay Bianca: Miguel bansot, Ruru mukhang tatay

Dahil lang sa backless shot ni Bianca Umali sa Instagram, nagbangayan na sa ang mga fan nina Miguel Tanfelix at Ruru Madrid. Sa naturang photo ay nagtanong si Ruru kung sino ang kumuha ng larawan kay Bianca.

Sumagot ang mga fan at sinabing si Miguel ang nag-picture. Pero, hindi rin nagpakabog ang mga fan ni Ruru at iginiit na ang idol nila ang kumuha.

At dito na nga uminit ang talakan ng dalawang kampo. May fan si Ruru na nilait ang height ni Miguel. Talak naman ng mga fan ni Miguel, mukha na raw tatay si Ruru, ‘di gaya ni Miguel na baby face.

Umabot na sa daan ang maanghang na salita ng dalawang kampo. At dedma lang si Bianca sa laitan sa kanyang wall.

 

Moira kakanta ng ‘Mulan’ theme song

Matutuwa ang mga taganga ni Moira sa bagong achievement nito sa lalabas na Disney movie na ‘Mulan’. Ibinalita ng Disney Philippines sa kanilang Instagram na gagawa ng sariling version si Moira sa isa sa mga original soundtrack ng “Mulan”.

Si Christina Aguillera ang umawit ng theme song ng ‘Mulan’ na nakatakdang ilabas sa September sa digital platform.

Pero sa Pilipinas, aawitin ni Moira ang isa sa mga theme song nito.

Ipinarinig na ni Moira ang kapiranggot na melody ng ‘Loyal Brave True’ na isa sa mga theme song ng Mulan.

 

Zsa Zsa inilantad ang mga peklat sa tiyan

Humingi ng pasensya si Zsa Zsa Padilla kay Piolo Pascual at mga fan dahil sa kanyang peklat sa tiyan. Nagposte si Zsa Zsa ng video na pinipiga niya ang t-shirt para palabasin ang pawis.

Ginawa ni Zsa Zsa ang ‘Papa P Challenge’, na ipapakita ang katas ng damit mula sa pawis. Kakatapos lang ni Zsa Zsa na magbadminton at nang pigain niya ang t-shirt, walang lumabas na pawis.

Nakasuot ng two-piece ensemble sports outfit si Zsa Zsa, na naglantad sa peklat niya sa tiyan. Ayon kay Zsa Zsa, lima ang peklat niya sa tyan dahil sa Laparoscopic surgery na ginawa sa kanya pitong taon na ang nakakaraan.

“Pardon my scars. There’s 5 of them from my laparoscopic surgery when they took out a growth in my left kidney 7 years ago!” sabi ni Zsa Zsa.

 

Seksi, maganda: Jillian Ward bagay na ‘Marimar’

Pinanggigilan ang shape ng body ni Jillian Ward ngayon. Sa larawan niya sa Instagram, kitang-kita ang bilog na bewang at makitid na waistline nito.

Sagot ni Jillian, magpuposte sya ng work-out video niya sa mga susunod na araw.

Pero, maliban sa kaseksihan ni Jillian, puring-puri rin ang ganda ng mukha nito. Marami nga ang nagpu-push na ibigay kay Jillian ang role bilang ‘Marimar’ kung ire-revive ito ng GMA-7.

 

Korina nakalbo ang pilik-mata

Sumumpa si Korina Sanchez na hindi na siya magpapalagay ng lashes extension ngayong tumubo na uli ang kanyang mga pilik-mata. Sinabi ni Korina na nakalbo ang kanyang pilik-mata dahil sa lashes extension.

Idadaan na lang daw niya sa mascara at applicator ang pilik-mata niya para kumapal at pumilantik ito. Inendorso ni Korina ang ginagamit niyang mascara na nagpabilis sa pagtubo ng kanyang mga pilik-mata.

 

Paolo stylist sa Miss Universe PH

Si Paolo Ballesteros ang tumatayong designer at creative stylist ni Honey Cartasano, kandidata sa Miss Universe Philippines, na maiksi ang buhok.

Nakaposte sa Instagram ni Paolo ang larawan ng kanyang kandidata na kuha sa fashion pictorial nito, na si Paolo ang nag-design.

Pinagsasabay ni Paolo ang paghu-host sa Eat Bulaga, at pati na sa Bawal na Game Show, at ang paga-asikaso sa damit, itsura ng kanyang alaga.

The post Loisa Andalio naghubad sa IG, YT first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *