Logo ng ABS-CBN pinarada sa SoKor awards show

Nagulat ang Pinoy K-pop fans sa paglabas ng logo ng ABS-CBN sa background ng sikat na awards show sa South Korea na The Fact Music Awards 2020 noong Sabado (Dec. 12) ng gabi.

The post Logo ng ABS-CBN pinarada sa SoKor awards show first appeared on Abante.

logo ng abs cbn pinarada sa sokor awards show - Logo ng ABS-CBN pinarada sa SoKor awards show
abante abs cbn - Logo ng ABS-CBN pinarada sa SoKor awards show

Nagulat ang Pinoy K-pop fans sa paglabas ng logo ng ABS-CBN sa background ng sikat na awards show sa South Korea na The Fact Music Awards 2020 noong Sabado (Dec. 12) ng gabi.

Sa isang eksena nga sa naturang awards show, kita ang logo ng ABS-CBN habang naglalakad ang sikat na boyband na BTS sa stage.

Sunod-sunod ang tweet ng mga netizen tungkol sa mga larawang lumabas at naintriga kung bakit kasali ito sa nasabing awards.

Sa isang tweet, nilinaw ng Star Music ang mga tanong ng viewers.

“Star Music along with @KtxPH & @tarsierrecords are the official PH media & streaming partners for The Fact Music Awards 2020 made possible through our partners @thefactnews #FANNSTAR #MoriTravel.”

Live ngang napanood ng Pinoy K-pop fans ang The Fact Music Awards sa KTX.ph. Ang bongga nito dahil may exclusive streaming partner ang naturang awards show sa iba’t ibang bahagi ng mundo gaya ng Europe, North and South America, China, Japan, Middle East, at maraming Asian countries.

Sabi ni @litolkth, “Note at how the ABS-CBN sign came out as they were walking which made it look like they’re actually attending an event by ABS-CBN.”

“I feel proud seeing ABS-CBN logo behind my faves,” pagbabahagi ni @PumeloMochi.

Ibang klase ang partnerships ng ABS-CBN sa kabila ng kawalan nito ng prangkisa dahil bago pa ang The Fact Music Awards, nakapagsagawa rin sila ng live na fan conference noong nakaraang linggo tampok ang sikat ng Thai stars ng “2gether The Series” na sina Bright Vachiwarit at Win Metawin. (Dondon Sermino)

The post Logo ng ABS-CBN pinarada sa SoKor awards show first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *