Lloyd namatay sa COVID-19

Ilang araw na ang nakalipas mula noong pumanaw ang sikat na vlogger na si Lloyd Cadena, at hanggang ngayon ay maraming Pilipino pa rin ang labis na nalulungkot at ‘di makapaniwala.

The post Lloyd namatay sa COVID-19 first appeared on Abante.

lloyd namatay sa covid 19 - Lloyd namatay sa COVID-19
Lloyd Cadena - Lloyd namatay sa COVID-19

Ilang araw na ang nakalipas mula noong pumanaw ang sikat na vlogger na si Lloyd Cadena, at hanggang ngayon ay maraming Pilipino pa rin ang labis na nalulungkot at ‘di makapaniwala.

Pero mas lalong nadurog ang puso ng marami nang kumpirmahin ng pamilya ni Lloyd na isa sa dahilan ng pagkamatay nito ay ang COVID19.

Sa mga naunang balita, ang alam ng karamihan ay cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay ni Lloyd, ngunit nitong Linggo ng gabi ay kinumpirma sa pamamagitan ng Official Facebook Page ng vlogger na siya ay tinamaan ng COVID-19.

“Lloyd was confined in the hospital on September 1 due to high fever and dry cough. He was tested for COVID-19 on the same day which the result came out positive on September 3,” sabi sa FB post ni Lloyd.

“As soon as the result of his swab test came out, our family, including BNT immediately isolated themselves. His vitals were okay and had no complaints,” dagdag pa nila.

Ngunit pagsapit daw ng September 4, 5am wala na’ng buhay si Lloyd at maputla na. Sinunog na raw agad ang katawan ng vlogger nitong Sabado at pansamantalang nasa bahay nila sa Cavite ang labi ni Lloyd. (Athena Yap)

The post Lloyd namatay sa COVID-19 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *