Liza pabor sa SOGIE Bill

Sa gitna ng kasagsagan ng isyu tungkol sa SOGIE Equality Bill, maraming artista na ang naghayag ng kanilang mga saloobin hinggil sa naturang isyu.

liza pabor sa sogie bill - Liza pabor sa SOGIE Bill
liza 1 - Liza pabor sa SOGIE Bill

Sa gitna ng kasagsagan ng isyu tungkol sa SOGIE Equality Bill, maraming artista na ang naghayag ng kanilang mga saloobin hinggil sa naturang isyu.

Mapa-Kapuso man o Kapamilya ay hindi nagpahuling magbahagi ng kanilang mga sentimyento tungkol sa naturang panukala.

Ilan sa mga personalidad na nauna nang naghayag ng damdamin kaugnay sa isyu ay sina Vice Ganda, Heart Evangelista at Bianca Gonzales.

Ngayon naman ay tila may pahiwatig ang aktres na si Liza Soberano na sumusuporta ito sa SOGIE bill.

Wala namang eksaktong sinabi ang aktres kung susuporta ba siya rito o hindi, pero palagay ng mga fan ay pahiwatig ng aktres ang paghahanap nito ng rainbow flag sa kanyang IG story, kaya si Liza umano ay posibleng pabor sa SOGIE bill.

Anyway, inaabangan ng mga fan ang magiging mensahe o pahayag ni Liza kaugnay sa SOGIE ngayo’t may pahiwatig nga ito sa publiko. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *