Liza nilampaso si Ivana sa ganda, kaseksihan

Kung paseskihan ang labanan, ang kadalasang pumapasok agad sa isip ng mga tao ay si Ivana Alawi. Pero kung usapang kaseksihan na may kasama pang pagandahan, mukhang mauuna na talaga sa listahan ang aktres na si Liza Soberano.

liza nilampaso si ivana sa ganda kaseksihan - Liza nilampaso si Ivana sa ganda, kaseksihan
abante liza - Liza nilampaso si Ivana sa ganda, kaseksihan

Kung paseskihan ang labanan, ang kadalasang pumapasok agad sa isip ng mga tao ay si Ivana Alawi. Pero kung usapang kaseksihan na may kasama pang pagandahan, mukhang mauuna na talaga sa listahan ang aktres na si Liza Soberano.

Nitong mga nakalipas na araw ay panay ang pasabog ng mga litrato ng sikat na photographer na si BJ Pascual na kasama si Liza. At halos luhuran at sambahin ng mga tao ang beauty at kaseksihan ng aktres, ha!

Pero this time na si Liza ang nag-post, talagang bongga ang pasabog dahil kakaiba ang concept sa ibang mga litrato niya.

Ang iba kasi ay parang Korean style outfits, pero this time ay mukhang bold black sexy woman ang datingan ng aktres. Sinisilip pa nga ng marami ang cleavage niya!

Ano naman kaya ang say dito ng dyowa niya na si Enrique Gil? Well, happy siyempre.

Pero `yun na nga, kabog ni Liza si Ivana sa kaseksihan, na may kasamang pagandahan. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *