Liza ‘natomboy’ sa kaseksihan ni Nadine

Lately ay nagiging active sa social media si Liza Soberano. Bihira lang kasi kung mag-post o magpahayag ng saloobin si Liza noon.

The post Liza ‘natomboy’ sa kaseksihan ni Nadine first appeared on Abante.

liza natomboy sa kaseksihan ni nadine - Liza ‘natomboy’ sa kaseksihan ni Nadine
abante liza soberano - Liza ‘natomboy’ sa kaseksihan ni Nadine

Lately ay nagiging active sa social media si Liza Soberano. Bihira lang kasi kung mag-post o magpahayag ng saloobin si Liza noon.

At napansin ng marami na tila sunod-sunod ang paghayag ng aktres sa kanyang mga concern ngayon.

Actually, naging medyo active naman talaga siya noong ipinatigil na ang operasyon ng kanilang network, duet pa nga sila ng kanyang partner na si Enrique Gil sa panawagan para sa kanilang network sa social media.

Heto nga, inireklamo niya ang kanilang internet service provider, kasunod ay ang paghayag ng kanyang galit tungkol sa desisyon ni Pangulong Duterte na palayain si US Marine Pemberton na pumaslang kay Jennifer Laude.

Pero kahit medyo stressful ang mga rant ng aktres, hindi pa rin nito nakalimutang puriin ang iba niyang nakikita sa social media gaya ng sexy photo ni Nadine Lustre kamakailan.

Napa-comment siya ng “wow” sa picture ni Nadine kung saan naka-raffle bralet top matched with jogger pants si Nadine.

Natuwa ang mga fan na maging si Liza na kinikilalang pinakamaganda sa buong bansa ay napapa-wow din kay Nadine. (Athena Yap)

The post Liza ‘natomboy’ sa kaseksihan ni Nadine first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *