Liza napahamak sa special treatment ng PLDT

Nag-sorry si Liza Soberano sa mga nasagasaan o naapektuhan, nang paboran siya ng telecommunication company, na mabilis na kinabitan ng internet ang aktres, samantalang marami sa mga follower niya ang nganga sa paghihintay na maaksyunan ang kanilang reklamo.

The post Liza napahamak sa special treatment ng PLDT first appeared on Abante.

liza napahamak sa special treatment ng pldt - Liza napahamak sa special treatment ng PLDT
Liza Soberano 1 - Liza napahamak sa special treatment ng PLDT

Rey pumalopy 8 300x200 - Liza napahamak sa special treatment ng PLDTNag-sorry si Liza Soberano sa mga nasagasaan o naapektuhan, nang paboran siya ng telecommunication company, na mabilis na kinabitan ng internet ang aktres, samantalang marami sa mga follower niya ang nganga sa paghihintay na maaksyunan ang kanilang reklamo.

Tila napahamak pa si Liza sa maagap na pagkabit sa kanya ng internet ng PLDT. Marami ang nainis, nainggit. Marami ang nagpatutsada kay Liza dahil lumalabas na may special treatment sa kanya ang naturang company, at binabalewala ang ibang mga ordinaryong mga tao.

“I stumbled upon few tweets from people who are upset and find my tweet about having fast internet offensive. I’m sorry your telecommunications provider isn’t taking care of your problems. In no way was it my intention to brag. I was just genuinely relieved to finally have fast internet. I know it’s a problem we ate all struggling with now. So please, to all the internet providers please do your best to help people out specially at a time like this when internet has become essential. We’re all trying to survive and get school and work done.”

Pinasaringan din ni Liza ang isang empleyado ng dati niyang internet provider na naglabas ng kanyang personal information para siya ang pagbalingan sa isyu.

“And to the employee of my ex internet provider who divulged personal information. Don’t try to turn this on me. My whole rant was about bad costumer service. That’s pretty sketchy of you trying to make it look like it’s my fault why i have bad internet.”

Kabog ang mga babae:

Kaladkaren inalok ng kasal ni Luke

Jackpot si Kaladkaren Davila sa British boyfriend niya, ha! Na sa gitna ng pandemic, hayun at inalok siya ng kasal ng lalake na 8 taon na niyang karelasyon.

Masayang ibinalita ni Kaladkaren na engaged na sila ng kanyang live-in partner na si Luke Wrightson. Ipinangalandakan pa nito ang singsing sa kanyang daliri.

Pinaghandaan ni Luke ang engagement proposal niya kay Kaladkaren, dahil siya pa ang nag-prepare ng dinner sa condo bago ang proposal.

Kristine ‘pinaiyak’ ni Oyo

Pinaiyak ni Oyo Sotto ang misis na si Kristine Hermosa sa isinulat na caption sa pinoste niyang mga throwback photo kung saan at paano nagsimula ang kanilang love story.

Paraan ni Oyo na magbalik-tanaw sa pagkakakilala nila ni Kristine bilang bahagi ng greetings nito sa kaarawan ng kanyang asawa.

“Happy birthday mahal ko! I always thank the Lord na ikaw ang napangasawa ko. Salamat sa iyong walang katapusang pasensya sa akin, pag-aalaga mo sakin at sating mga anak. Maraming maraming salamat sa pagmamahal mo. Mahal na mahal kita…

“Found old pictures from 10 years ago, back when you guested in Midnight DJ few months before our wedding @khsotto,” sey ni Oyo.

Ang Midnight DJ ay dating show ni Oyo sa TV5. Mababasa sa comment ni Kristine na natuwa at naiyak siya sa mensahe ni Oyo.

“@osotto bakit mo ko pinaiyak sa umaga??? At bakit gising ka pa around this time???!!! Mahal na mahal din kita. Salamat dahil sinagot ni Lord ang isa sa mga pinaka-importanteng dasal ko sa buhay ko…ikaw at ang mga anak natin,” sabi naman ni Kristine.

The post Liza napahamak sa special treatment ng PLDT first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *