Liza nabaon sa utang kay Ogie Diaz

Natupad na ang isa sa bucket list ng dating kolumnista/manager at comedian na si Ogie Diaz, ang makapag-produce ng pelikula.

liza nabaon sa utang kay ogie diaz - Liza nabaon sa utang kay Ogie Diaz
ogie x liza - Liza nabaon sa utang kay Ogie Diaz

Rose Garcia Annyeong 7 336x224 - Liza nabaon sa utang kay Ogie DiazNatupad na ang isa sa bucket list ng dating kolumnista/manager at comedian na si Ogie Diaz, ang makapag-produce ng pelikula.

Ang pelikulang “Two Love You” na pinagbibidahan nina Yen Santos, Lassy Marquez, MC Muah at ang Hashtag member na si Kid Yambao, at mula sa direksiyon ni Benedict Mique.

Isa si Ogie sa inspirasyon ng marami. Nagsimula sa talagang mababa pero ngayon ay isa sa pinaka-accomplished showbiz personality/comedian/manager at influential din.

Bukod sa pagiging producer, nasa bucket list ni Ogie ang maging director at teacher. Plano niyang idirek din sina Lassy at MC sa isa pang pelikula.

Ang pagiging teacher naman, gusto raw kasi niyang to give back. Marami raw na lumalapit sa kanya na gustong matuto. Sinasabi raw niya na hindi nga siya nakatapos, pero ayon sa mga ito, it’s his experiences daw ang gustong malaman at matutunan sa kanya.

Ang tanong, kuwento ba ng buhay ni Ogie ang “Two Love You”? Hindi raw buong movie. Pero ang kuwentong nagkaroon ng anak si Lassy at Yen ang tila hango sa buhay niya.

Sa isang banda, itinanggi ni Ogie ang lumabas na balitang isa siya sa most influential gay in the Philippines with almost 100 million worth of assets.

Sey niya, “Hindi po totoo ‘yun ha. Although, nagbabayad talaga tayo ng income tax. Pero juice ko, kung alam niyo lang kung paano ko tinawad-tawaran ang mga artista ko rito sa movie.”

Si Ogie ay manager ni Liza Soberano at dating manager ni Vice Ganda. Pero ngayon, hindi na lang si Liza ang mina-manage niya sa kanyang OgieD Productions, kabilang na nga si Kid.

Aliw ang kuwento ni Ogie kung paanong noong nagsisimula si Liza, umabot daw sa halos P500,000 ang naging utang nito sa kanya. Pero puring-puri ni Ogie si Liza at ine-example palagi sa aspiring stars kung gaano ito ka-responsable.

Utong ni Alden sarap paglaruan

Kahit blurred ang picture na pinost ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa kanyang latest Instagram post na naka-topless at ang caption ay “coffee first”, hindi ang kape ang napansin ng followers niya.

May ilang araw na since pinost ni Alden ang pa-blurred na topless niya na may pa-nipples pero ang dami pa ring nagko-comment. Hindi na raw “baby boy” si Alden at mapangahas na nga itong talaga. ‘Yung iba, sinasabing ang hot niya. Sabi ng iba, sarap daw laruin ng mga utong nito.

Sey nga ng isang IG user, “Hindi ko alam kung alin yung mas hot eh yung coffee ba o yung may hawak ba o yung weather.”

Na-maintain na nga ni Alden ang ganda ng katawan niya simula nang magpapayat siya noon for the movie “Hello, Love, Goodbye”.

Pero ang isa sa puwedeng abangan kay Alden ay ang mangyayari sa primetime series niya na “The Gift” ngayong darating na linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *