Liza na-trauma sa walwalan

Bet na bet ko ang pa-‘ask me’ ng mga artista sa Instagram. Doon kasi nagkakaroon ng chance ang mga fan na magtanong ng kung ano-ano sa kanilang mga idolo, na sinasagot naman ng mga artista nang walang kaetchosan.

The post Liza na-trauma sa walwalan first appeared on Abante.

liza na trauma sa walwalan - Liza na-trauma sa walwalan
liza 6 - Liza na-trauma sa walwalan

FINAL columnists Palaban to no Dondon Sermino 3 1 300x180 - Liza na-trauma sa walwalanBet na bet ko ang pa-‘ask me’ ng mga artista sa Instagram. Doon kasi nagkakaroon ng chance ang mga fan na magtanong ng kung ano-ano sa kanilang mga idolo, na sinasagot naman ng mga artista nang walang kaetchosan.

Anyway, naaliw lang ako sa sagot ni Liza Soberano sa tanong na ‘U drunk, ate?’

Kung ibang artista kasi ‘yan, baka nagpa-cute na, at tumodo sa pagdi-deny, lalo na at wala namang katibayan. Pero, iba ang sagot ni Liza, ha! Sagot na mas lalong naging kahanga-hanga.

“I am not really a drinker cause I hate the taste of alcohol, but there was a phase I went through in October 2018, in which I attempted to get ‘shit faced’ 3 times in one month.

“This was the first during @jonies_kitchen’s prenup shoot, second was at the ASAP after party in Australia and third was at the Halloween party I hosted,” pag-amin niya kalakip ang larawan na medyo lasing nga ang itsura niya, pero super ganda pa rin.

At bongga pa ang sumunod na chika ni Liza:

“Let’s just say it was a success but traumatized me to the point that I never wanted to drink again. This was my first time getting drunk that wasn’t for work. Lol.”

Oh, well, na-trauma pala sa ‘walwalan’ si Liza. At least, may matutunan sa kanya ang mga fan, na kung ayaw mong ma-trauma, sumakit ang ulo mo, wag kang mag-walwal.

Beauty baklang-bakla sa DOT ad

Ang cute ng promo video ad ng Department of Tourism tungkol sa ‘pagbabakasyon’ sa panahon ng pandemya.

Makabuluhan ang titulong Travel Safe Pinas. At ang mga pa-hashtag na #RecoverAsOne, #PersonalDistancingAlways.
Idinaan ang promotion sa mas nakakaaliw at madaling intindihin. Bida nga rito ang mahilig talagang magbiyahe na si Beauty Gonzales, kasama sina Kim Molina, at Jun Sabayton.

“Let’s Ride!
“This New Year, reclaim your Dream Destination, 2764 - Liza na-trauma sa walwalanmake 2021 an Epic year for Local Travel, 1f49c - Liza na-trauma sa walwalanbut let’s do it safely.

“With these fun and simple guidelines
“We can all #RecoverAsOne , #TravelSafePinas, #PersonalDistancingAlways, @tourism_phl, @bernsrp,” sabi ni Beauty.

Aliw ang pagsasalarawan nila na para kang nanonood ng sitcom na bida ang magkakaibigan na todo sa pag-arte. Para kang bumalik sa eksena ng campy movie nina Dina Bonnevie, Jennifer Cortez, Azenith Briones, Deborah Sun, Bambi Arambulo, ang Temptation Island, na kung saan ay naggigirian sila, at todo harot sa pagrampa.

Well, ang importante nga ay naihatid nila ang mensahe, ang mga dapat sundin na mga safety protocol sa pagta-travel.

“Thank you @beauty_gonzalez @sabaytones and @kimsmolina for making travelling under the new normal so much fun,” sabi ni DOT Chairman Berna Romulo Puyat.

The post Liza na-trauma sa walwalan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *