Liza, Janine nasipa sa ‘most beautiful’

Sina Adrianna So, Jennylyn Mercado, Julie Anne San Jose, Kathryn Bernardo, Kisses Delavin, Loisa Andalio, Maine Mendoza, Marian Rivera, Nadine Lustre, Sanya Lopez ang sampung aktres na magbabakbakan sa ‘Most Beautiful Woman in the Philippines 2020’ ng Starmometer.

The post Liza, Janine nasipa sa ‘most beautiful’ first appeared on Abante.

liza janine nasipa sa most beautiful - Liza, Janine nasipa sa ‘most beautiful’
liza janine - Liza, Janine nasipa sa ‘most beautiful’

dondon sermino 6 - Liza, Janine nasipa sa ‘most beautiful’Sina Adrianna So, Jennylyn Mercado, Julie Anne San Jose, Kathryn Bernardo, Kisses Delavin, Loisa Andalio, Maine Mendoza, Marian Rivera, Nadine Lustre, Sanya Lopez ang sampung aktres na magbabakbakan sa ‘Most Beautiful Woman in the Philippines 2020’ ng Starmometer.

Mula sa napiling 20 na nominado ay sampu na nga lang ang natira, base na rin sa mga naunang boto ng mga fan.

Meaning, tsugi agad sa pagandahan sina Alex Gonzaga, Angel Locsin, Bea Alonzo, Bianca Umali, Gabbi Garcia, Heart Evangelista, Janine Gutierrez, Kim Chiu, Liza Soberano, Maja Salvador.

Sina Liza, Janine, Bea, Heart, na itinuturing na may pinakamagagandang mukha sa showbiz ngayon.

Well, again, botohan nga kasi ito, at nasa mga fan `yan kung bet nilang manalo ang mga idolo nila. Nagkataon lang na mas agresibo talaga ang mga fan ng mga nauna sa itaas.

Oo nga, nasaan na ba kasi ang mga fan nina Liza, Janine, Bea, Heart?

Manay Ichu pumanaw na

Pumanaw na ang isa sa maituturing na haligi ng showbiz (pagdating sa movie production), si Marichu Vera Perez Maceda, o mas kilala sa tawag na Manay Ichu.

“Rest in peace Manay Ichu. I love you very much…” ang mababasa sa Instagram ni Rep. Vilma Santos Recto.

Nakakasama naming si Manay Ichu noon sa mga event sa Sampaguita compound, lalo na noong nabubuhay pa si Kuya Germs o German Moreno. At kapag may meeting para sa industriya ng showbiz, palagi siyang nandoon at nakasuporta. Kaya isa nga siya sa tinawag na ‘Nanay ng PH Cinema.’

Heto naman ang mensahe ni Tita Lolit Solis tungkol sa pagpanaw ni Manay Ichu:

“I purposely did not visit her during the time she was sick kasi sure ako na iiyak ako pag nakita ko siya na nahihirapan. Nagti text kami at natutuwa ako pag nagbibiro pa siya sa text. Manay Ichu is one lady so generous with her love kaya Icon siya sa showbiz. I cannot imagine Gilmore St. without her. Cannot imagine Sampaguita compound without her presence. I always take pride of being close to her, of her trust in me kahit pa nga luka luka ako at halos lahat ng kagagahan ginagawa ko. Her friendship, her love, siguro iyon ang naging matibay na sandigan ko kaya confident ako sa feeling na I can get away with my being naughty and luka luka. She will reprimand me, pinapagalitan ako, pinangangaralan, pero never ako iniwan sa laban. Kunsintidorang ate siya sa akin. Alam ko na kahit hindi kami nagkikita , mahal niya ako, at mahal ko siya. Forever grateful for all her love , trust, at iyon respeto na ibinigay niya sa akin bilang tao I will never ever forget. I love you Manay Ichu, be at peace, sleep well, try to still guide me wherever you are , I will always pray for you. Goodnight.”

Nakikiramay po kami sa pamilya ni Manay Ichu…

The post Liza, Janine nasipa sa ‘most beautiful’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *