Liza, James kumasa sa ‘anti-terrorism bill’

Hindi naging puro ang pakikisimpatiya ng ilang mga Pinoy celebrity sa malaganap na kampanya sa buong mundo na #BlackOutTuesday, dahil hinaluan nila ito ng politika sa Pilipinas.

liza james kumasa sa anti terrorism bill - Liza, James kumasa sa ‘anti-terrorism bill’
artist 1 - Liza, James kumasa sa ‘anti-terrorism bill’

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 151 336x224 - Liza, James kumasa sa ‘anti-terrorism bill’Hindi naging puro ang pakikisimpatiya ng ilang mga Pinoy celebrity sa malaganap na kampanya sa buong mundo na #BlackOutTuesday, dahil hinaluan nila ito ng politika sa Pilipinas.

Sa kanilang pakikiisa sa isyu ng racism sa Amerika sa pamamagitan ng pagpu-post ng black image sa kani-kanilang mga social media account, naisingit pa ang #JunkTerrorBill.

Biglang nagkaroon ng malasakit si Liza Soberano sa ‘anti-terrorism bill’ na ipinapasa sa Pilipinas. Nanguna si Liza sa pag-tweet ng black image na may nakabalandrang #JunkTerrorBill.

Ang huling pakikibaka ni Liza sa isang malaking isyu ay ang pagsuporta nito sa prangkisa ng Kapamilya network.

Nakita ko rin ang post nina Khalil Ramos na may caption ng ‘BOT’ at JTB. Ganun din si James Reid na isiningit ang JTB sa pakikiisa sa protesta sa Amerika.

Si James Reid ang kasalukuyang Food Security Ambassador ng Department of Agriculture na sangay ng gobyerno, sa ilalim ng pamamahala ni Pres. Duterte.

JTB rin ang isinigaw ni Cherrie Pie Picache sa kanyang IG, ganun din ang half-Pinay model na si Maureen Wroblewitz.

Parang namalengke naman si Bianca Gonzales nang pakyawin niya ang lahat ng isyu sa posting niya ng isang art work na nagsasabing “Filipinos For Black Lives” at disenyo ng sunrays na isa sa simbolo ng Pinas.

Makikiita ang pamamakyaw ni Bianca ng mga hashtag ng mga controversial issue tulad ng #BLM, #GeorgeFloyd, #SayMyName, #KianDeLosSantos, #SayHisName, #NoToEJKs, #NeverForget, #IbalikAngAbsCBN.

***

Kiray ilusyunada sa kasal

Binasag ng mga follower ni Kiray Celis ang pagi-emote niya sa Instagram tungkol sa paniniwala niya na pakakasalan siya ng kasintahan.

Sabi ni Kiray, may plano na raw ang dyowa niya na pakasalan siya, kalakip ang mga larawan nila.

“You deserve someone who has plans on marrying you one day. Love is not a game. It’s an investment. Commitment. You know, as a man you should look at your girl as the mother of your future babies. She could be your girl for a lifetime. She’ll be your mama, partner and bestfriend in one. If you can’t picture her in the isle walking towards you with a teary eye, leave her alone. If you can’t picture out buying your first house, your dream car, building family with her, leave her alone. If marriage isn’t the goal then what’s the point? Think long term CTTO hi, @stephan.estopia! Akin ka na lang ha? Ay! Akin ka na pala, hihihihi.”

Pero, hindi nga matanggap ng ilang follower ang pagi-emote ni Kiray.

@miamiiii2456964: “This should be coming from the guy Kiray, not from you, pinangungunahan mo, ‘di naman nagpu-propose pa.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *