Liza, Enrique todo lamyerda sa Disneyland

Habang nagpapagaling sa Los Angeles, California si Liza Soberano pagkatapos ng ilang beses na ope­rasyon sa daliri niya na naaksidente sa ta­ping noon ng “Bagani”, mukhang nag-e-enjoy naman siya kasama ang boyfriend na si Enrique Gil.

The post Liza, Enrique todo lamyerda sa Disneyland appeared first on Abante News Online.

liza enrique todo lamyerda sa disneyland - Liza, Enrique todo lamyerda sa Disneyland
ABANTE liza 2 - Liza, Enrique todo lamyerda sa Disneyland

abante anything goes jun lalin 336x224 - Liza, Enrique todo lamyerda sa DisneylandHabang nagpapagaling sa Los Angeles, California si Liza Soberano pagkatapos ng ilang beses na ope­rasyon sa daliri niya na naaksidente sa ta­ping noon ng “Bagani”, mukhang nag-e-enjoy naman siya kasama ang boyfriend na si Enrique Gil.

Noong Wednesday, inabot na sila ng gabi sa pamamasyal sa Disneyland na tinaguriang “The happiest place on earth” at mukhang sobrang happy ang mag-sweethearts.

Kasama nila sa pamamasyal ang ilang kapamil­ya, pati ang mag-asawang Cip at Jennevy (anak ni Mary Ann Opeña na maraming mga kaibigan sa showbiz), pati ang kaibigan naming si Noel Alonzo.

Sa pictures na pinost ni Noel sa kanyang Facebook account ay kitang-kita ang kasiyahan ng LizQuen love team. Ang bongga nga naman na habang nagpapa­galing siya sa Amerika ay kasa-kasama ni Liza ang boyfriend na si Enrique, huh!

Anyway, kapag magaling na si Liza ay uuwi na rin naman sila sa Philippines (mauuna raw si Enrique) dahil sisimulan na nila ang bago nilang series sa ABS-CBN. (Jun Lalin)

The post Liza, Enrique todo lamyerda sa Disneyland appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *