Liza, Enrique teleserye gigiling na

Kahit nasa Amerika pa si Liza Soberano dahil nagpapagamot ng kanyang daliring sobrang naapektuhan ng trai-ning niya for “Darna,” baka raw magsimula na ang series na pagbibidahan nila ni Enrique Gil sa ABS-CBN.

The post Liza, Enrique teleserye gigiling na appeared first on Abante News Online.

liza enrique teleserye gigiling na - Liza, Enrique teleserye gigiling na
liza - Liza, Enrique teleserye gigiling na

ANYTHING GOES
Jun Lalin

abante anything goes jun lalin 336x224 - Liza, Enrique teleserye gigiling naKahit nasa Amerika pa si Liza Soberano dahil nagpapagamot ng kanyang daliring sobrang naapektuhan ng trai-ning niya for “Darna,” baka raw magsimula na ang series na pagbibidahan nila ni Enrique Gil sa ABS-CBN.

Puwede naman daw kunan muna ang mga eksenang wala si Liza.
Ang alam ko, marami sa mga eksena sa series na ‘yon ang kukunan sa isang province somewhere in the south.

Bagets kinilig kay Annabelle

Nasa ABS-CBN noong Wednesday afternoon ang mag-inang Annabelle Rama at Richard Gutierrez dahil may meeting sila sa Star Ci-nema production office.
In fairness to Bisaya, pati sa kanya ay nagpapa-picture ang fans.

Habang may mga nagpapa-picture kay Richard, may isang teenager na kilig na kilig na lumapit kay Bisaya.

“Tita Annabelle, Tita Annabelle, pa-picture naman, idol na idol po kasi kayo ng Lola ko. Fan na fan n’yo Lola ko!” sey ng nagpa-picture kay Bisaya.

Sabi ng Gutierrez matriarch, kapag may mga teenager daw ang nagpapa-picture sa kanya, usually ay favorite siya ng mga lola o mga nanay ng mga ito.

Arnell balik-telebisyon

After working for the government, balik-showbiz si Arnell Ignacio.
Balitang magkaka-online game show siya na ipapalabas daw din sa iba sa mga channel ng Cignal Cable.

The other night naman, ibinalita sa akin ng mga taga-IBC-13 na magsisimula na sa last week of July ang show sa kanila ni Arnell, ang “Arnelli In D Haus.”

Bale ang nasabing show ang next na station produced show ng Trese.
Every Thursday, 8:30-9:30PM ito at public affairs na reality na service program ang theme.

Excited nga raw si Ms. Kat de Castro para sa new show sa kanila ni Arnell na kakaiba raw ang concept.

Kara, Mia hindi papatayin

Mamayang gabi na ang finale night ng “Kara Mia” ng GMA-7.
May isang nagsabi sa akin na may mamamatay raw talaga, pero ayaw sabihin kung si Kara o Mia (Barbie Forteza o Mika dela Cruz).

Sabi naman ng isang namamahala sa series, wala raw mamamatay at feel good daw ang ending.

Hmph! Nako-confuse ako. Makapanood nga mamaya ng finale episode ng “Kara Mia!”

The post Liza, Enrique teleserye gigiling na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *