Liza, Enrique super sikat sa Thailand

Ngayon pa lang ay sabik na ang mga taga-Thailand na makasama, makita, makamayan, mahalikan ang magdyowang Liza Soberano at Enrique Gil. Ang tanong lang, magkakaroon kaya sila ng oras para paligayahin ang mga fan nila roon?

The post Liza, Enrique super sikat sa Thailand appeared first on Abante News Online.

liza enrique super sikat sa thailand - Liza, Enrique super sikat sa Thailand
abante Liza - Liza, Enrique super sikat sa Thailand

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Liza, Enrique super sikat sa ThailandNgayon pa lang ay sabik na ang mga taga-Thailand na makasama, makita, makamayan, mahalikan ang magdyowang Liza Soberano at Enrique Gil. Ang tanong lang, magkakaroon kaya sila ng oras para paligayahin ang mga fan nila roon?

Anyway, hindi pa rin natitinag ang ABS-CBN sa pagpapalawak ng presensya nila abroad dahil umeere na sa nangungunang GMM channel sa Thailand ang ser-yeng “Forevermore” nina Liza Soberano at Enrique Gil na bumibihag ngayon sa maraming Thai viewers

Dahil sa pag-ere ng “Forevermore” sa Thailand simula noong Hunyo, patuloy na tumitibay ang reputasyon ng ABS-CBN bilang pinagkakatiwalaan na producer ng mga programang tinatangkilik ng international viewers.

Sumunod din ang “Forevermore” sa yapak ng ibang teleserye ng Kapamilya network ngayong 2019 na tinatangkilik sa ibang bansa tulad ng “Pangako Sa’Yo” sa Dominican Republic, “Halik” sa Tanzania, “Hanggang Saan” sa Turkey, at “The Blood Sisters” in Kazakhstan

Matatandaang pinakapinapanood na teleserye nationwide ang “Forevermore” noong 2014 na naging usap-usapan din bawa’t gabi sa Twitter. Dahil sa kasikatan ng Teleserye, naging tourist spot din ang La Presa strawberry farm sa Benguet.

Libong estudyante tinulungan ng ABS-CBN

Libu-libong mga estudyante sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang nagsimula ng panibagong taon sa eskwelahan na buo ang pag-asa at inspiradong mag-aral sa tulong ng proyektong “Gusto Kong Mag-Aral” (GKM) ng ABS-CBN Foundation Inc.
(AFI) na namigay ng 50,000 na school bag na may nilalaman na kumpletong supplies sa iba’t ibang probinsya mula Enero hanggang Hulyo nitong taon.

Dinayo ng GKM ang 27 na probinsya sa bansa, kabilang ang Bulacan at Masbate sa Luzon, Leyte at Iloilo sa Visayas, at Compostela Valley at Sulu sa Mindanao. Bawat bag ay naglalaman ng mga notebook, pencil, ballpen, crayons, sharpener, eraser, at sipol na pwedeng gamitin ng mga bata sa panahon ng peligro.

Ayon kay Prince Jared Calanduyan, isang grade 2 na estudyante mula sa Bohol, tuwang-tuwa siya noong makakuha ng GKM bag dahil hindi na niya kailangan humingi ng pambili nito sa kanyang magulang. Siya ang pinakamatanda sa limang magkakapatid, at madalas ay hindi siya nakakapasok sa paaralan dahil kailangan niyang t­ulungan ang nanay at tatay niya na maghanapbuhay. Sa kabila nito, nagagawa pa rin niyang maging honor student.

“Malungkot ako kasi pasukan na wala pa akong gamit. Kaya masaya akong nabigyan ng bag ng Sagip Kapamilya,” aniya.

Ayon naman kay Erika Mallari, isang grade 6 na estudyante mula sa Pampanga, isang malaking pagpapala ang mga bagong gamit para sa paaralan, lalo na matapos masira ang kanilang bahay at kagamitan dahil sa nakaraang paglindol. Nasira rin ang paaralang pinapasukan niya, ngunit nagpupursige pa rin siyang makatapos sa pag-aaral.

Sa tatlong taon ng GKM, higit 250,000 na school bag na ang napamigay ng Sagip Kapamilya sa mga estudyante sa buong bansa sa tulong ng mga donor at kapartner na organisasyon ng AFI. Pinipili ng ABS-CBN ang mga eskwelang makakatanggap ng bags sa mga nirekomenda ng Department of Education, o sa mga komunidad na tinutulungan na ng AFI.

Maaari ka ring tumulong sa mga batang nangangailangan sa pamamagitan ng pag-donate sa Sagip Kapamilya. Sa bawat P350.00, makakatanggap na ang isang bata ng Gusto Kong Mag-Aral bag kasama na ang mga gamit para sa eskwelahan.

Mga atletang may kapansanan inspirasyon ng mga netizen

Mapapanood ngayon sa iWant ang “Para-ngalan”, isang dokyu tungkol sa buhay ng para-athletes na ginawa ng estudyante ng Letran para sa Class Project Inter-collegiate Mini-documentary Contest ng Knowledge Channel.

Isa sa mga para-athletes na nagbahagi ng kanyang buhay si Raul, isang national team member sa pagtakbo. Kwento niya, dati raw siyang operator machine. Kaso sa kasamaang palad, habang nagtratrabaho ay naipit ang kanyang mga kamay at ito ay nadurog.

Akala niya wala na siyang mararating sa buhay at mamamatay siyang inutil. Mabuti na lang at nahiligan niyang tumakbo. Sa tulong ng Philippine Sports Commission, napagpatuloy niya ang kanyang buhay.

Katulad ni Raul, natulungan din ng PSC si Ernie, ang kauna-unahang Pilipino na nakasama sa Rio Paralympic at nakapag-uwi pa siya ng tatlong gold medals. Ipinanganak na kasi siyang kulang ang kanyang buto sa binti at paa.

Nakakatuwa nga ang klase ng pag-iisip nina Raul at Ernie na hindi sila nagpadaig sa kanilang mga kapansanan at ginamit pa nila ito para makapagbigay ng karangalan sa bansa.

Inspirasyon silang maituturing hindi lamang sa mga kapwa nilang may kapansanan kundi sa mga taong kompleto ang parte ng katawan na walang imposible sa taong masigasig at may gustong marating.

The post Liza, Enrique super sikat sa Thailand appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *